ASKA - 33

34.1K 615 73
                                    

Not edited,ry for many many errors.

SPG: Language.  Ganyan talaga pag mga lalaki yung POV medyo harsh 


ASKA Finale and ASKA Epilogue are both private. See below to be able to read them.


Chapter 33

[ HIS REASON ]


*ELI*


Hindi ako makapaniwalang nakikita sya ng dalawa kong mga mata. Kasabay nang pagtulo ng aking mga luha ay ang bugso din ng iba't-ibang damdamin ko. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o magiging malungkot. Talaga bang nandito sya sa harapan ko?  Ibig bang sabihin hindi  nya talaga ako kayang mawala sa buhay nya? Ibig sabihin ba nito, ako ang pinili nya at hindi si Pin?

Hindi ko na alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa kanya, wala akong pakialam kung magmuka man akong istupida dahil sa dinadaan-daan nalang ako ng mga tao dito. Ang alam ko lang, lahat ng galit ko noong nakaraang linggo nawala ng muli kong masilayan ang pambihira nyang ngisi na syang pagkakakilanlan ko sa kanya.

Sa bawat kilos na ginagawa nya mas lalong lumalalim ang paghinga ko. Hanggang sa dahan-dahan na nyang ialis ang isang kamay sa bulsa at simulang lumakad palapit sa akin. Sa bawat hakbang na ginagawa nya parang may nagtutulak sa aking huwag tumingin. Umatras na para bang gustong tumakbo kahit saan, makalayo lang sa presensya nya.

Kung nandito man sya ngayon at magkakaharap man kami. Anong sasabihin kong dahilan sa paglayo ko sa kanya, na nagseselos ako? Na hindi ko na kayang makita ang mga panloloko nya? O lalapit ako, yayakapin sya nang mahigpit at sasabihing hindi ko pala kayang mawala sya sa buhay ko?

Hindi ko na alam, hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko kung talagang sya ang nakikita ko ngayon. Kaya nang makita kong mga limang hakbang na lamang ang layo nya sa akin, ipinikit ko ang aking mga mata  at iniling -iling ang ulo habang bumulong sa sarili ko nang...

" No, he can't."

" No, he can't."

" No, he can't be here."

Paulit-ulit kong ginawa ang bagay na iyon at matapos ang ilang minuto.

Sa muli kong pagmulat, sumabay muli ang pagpatak ng aking mga luha dahil...

 dahil ang inaakala ko ay isang  ilusyon lamang pala. Isang pag aakalang muling nagdulot sa akin ng paghihirap. Higit sa lahat isang imahinasyon na pilit lang palang iginuguhit ng aking mga mata. Dahil iyon ang gusto kong makita.

Kinusot ko ng mariin, kahit nakakaramdam na ako ng hapdi sa magkabilang talukap ng aking mata tiniis ko, na kahit pakiramdam ko'y magkakasugat na iyon sa sobrang pag kusot ko mapalinaw lamang ang paningin ko para mahanap sya.

Luminga-linga ako sa magkabilang tabi, hinanap ko sya. Linapitan ko kung saan sya noo'y nakatayo sa pagbabaka sakaling naroon sya at nagtatago lamang, ngunit muli akong nanlumo sa lungkot.

Wala sya, wala ang lalaking gusto kong makita. Ang lalaking kahit hanggang ngayon hinahanap hanap ko pa pala.

Napabitaw na lamang ako sa dala-dala kong dihilang maleta at napatakip sa muka. Doon nagsimulang humagulgol at itago ang itsura kong punong-puno ng pangungulila sa kanya.

"Sabi ko naman kasi sayo Eli, wag ka nang umasa na susundan ka nya. Na pipiliin ka nya over that girl! Diba sabi mo kakalimutan mo muna ang lahat tungkol sa kanya? Diba sabi mo hahanapin mo muna ang sarili mo, bubuuin mo muna. Akala ko, malilimutan ko sya kapag lumayo ako sa kanya. Akala ko makakaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. Akala ko kakayanin ko pero bakit ngayon, bakit hanggang ngayon sya parin ang laman ng puso at isip ko? Bakit hindi kita malimutan Seth? Bakit?"

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now