ASKA - 15

24.8K 387 31
                                    

Chapter 15

 

[ WITHOUT YOU ]

Hanggang ngayon mag isa parin ako. Kanina kasi nagtext si Dad na doon daw sa bahay nila umuwi si Seth. Hindi ko na tinanong ang bawat detalye, maski raw sila ay nagulat ng bigla nalang d’un nagpakita si Seth. Halos gabi na raw ng dumating ito. Kaya heto ako, nanlalamig nanaman sa isang napakalawak na kama.

Siguro dapat masanay na ako sa ganitong bagay, alam ko naman sa sarili ko na hindi lang ako ang nahihirapan sa sitwasyon namin. Mahirap sa kanyang tanggapin ang lahat, ang kaso lang paano ko sya matutulungan kung pilit nyang nilalayo ang sarili sakin. Parang tanga lang diba? Mag asawa nga kami, hindi naman magkakilala.

Hindi na ako kumain ng hapunan, wala man lang akong kagana-ganang kumain. Sumasakit man ang sikmura ko, mas nananaig ang kalungkutan ko. Kailan kaya kami muli magkakasabay kumain? Kailan nya kaya ako muling kakausapin ng nakangiti? Kailan nya kaya ako matatanggap? Masyado na ata akong nagiging madrama, noon sinabi ko na sa sarili kong magiging matatag ako pero kahit anong pilit ko kasi may nararamdaman parin akong hapdi eh. Mula’t sapol naman ata, masokista na ako.

Kahit sa huling mga oras nang pagbagsak ng talukap ng mga mata ko, hinihintay ko parin sya. Hinihintay na darating sya ngayon at tatabi sa akin para sabihing  “ Kahit kailan hindi ako magsasawang sabihin sayong Mahal na mahal kita.” :'(

Nasan na ba yung dating Seth? Yung dating Seth na handang harapin lahat maipakita lang sa akin kung gaano nya ako kamahal. Kasi kung nasan man sya, gustong-gusto ko syang yakapin at sabihing,

“ Miss na miss na kita. Ikaw na suplado ka.”

 

The next day, hindi parin umuwi si Seth. Hindi ko naman sya macontact kasi nandito sa bahay yung phone nya, hindi nya naman magamit dahil sira. Tinatanong ko sina Kuya Led at Tristan pero ang sagot lang nila, gabi lang daw nila nakikita si  Seth sa bahay kasi umaalis rin ng magang-maga. Siguro may mali nga talaga sa akin, hindi naman sya iiwas kung wala eh.

Mabuti pa mamimili nalang ako ng mga groceries para kamag umuwi na sya ng bahay may maihahanda ako. Sa pinakamalapit na Mall ako pumunta, wala na akong inaksayang oras at nagsimula ng mamili. Buti nalang kakaunti ang namimili kaya mabilis akong nakatapos. May oras pa kaya namasyal na rin ako, matagal na akong hindi nakakapamasyal kaya eto tingin doon, tingin dito. Ang daming bagong damit at kung ano-ano pa.

Pumasok ako sa isang boutique at naningin-ningin pero sa halip na sa isang manikin mapunta ang atensyon ko, tumagos ito sa salamin na pader at laking gulat ko ng makumpirma ang nakita ko. Si Pin, nagmamadali sya sa paglalakad habang may humahabol na pilit syang sinusundan, isang lalaki. Ang mas ikinabigla ko pa ay nang tumapat na sila sa may harapan ko, dahil ang lalaking tinutukoy ko, ay ang lalaking halos dalawang araw ko ng inaasam na makita. Walang iba kundi si

Seth.

 

***

 

*SETH*

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now