ASKA - 5

29.9K 399 24
                                    

Chapter 5

 

[ PAMAHIIN ]

 

“ Bessy, naideliver na ba yung order ni Mrs. Santos?” tanong sakin ni Bessy.

“ Teka lang Poy ha, may tinatanong kasi si Charlie eh. Kita nalang tayo mamaya, o sige na nga. Opo hihintayin po kita. Around 3 o’clock po, I love you too Poy.” tyaka ko binaba yung phone ko. Si Poy kasi ayaw pumayag na hindi nya ako susunduin dito sa shop, gusto nya kasi sabay na kaming pumunta sa Simbahan. Eh ano pa nga ba magagawa ko? Wala eh, sya ang boss.

“ Hoi, Bru! Ano ba? Ang sabi ko kung naideliver na ba yung order ni Mrs. Santos?” halatang naiinis na si Bessy sa tanong nya. Paano naman kasi, yung anak daw ni Mrs. Santos eh kanina pa tawag ng tawag.

“ Relax Bessy, oo kanina pa umalis yung delivery boy natin, baka as of now nandoon nayun. Akin na nga muna si Bebe Ayann.” Tyaka ko kinuha sa kanya si Bebe Ayann.

“ Tahan na Bebe, nandito na si Tita Ninang. Sige ka hindi na lablab ni Ninang kapag di tumahan. Dali na Bebe, smile nayan. Kuchikuchi kuch!” maya-maya pa ay tumahan na sya, muka kasing nagugutom na eh. Naubos na yung gatas na dala ni Bessy, wala narin naman syang gatas sa katawan nya kaya hindi nya mapadede si Bebe Ayann. Ilang saglit lang ay nakatulog na ito, napagod siguro sa kakaiyak.

“ Ibang klase ka talaga Bru, pwede ka ng maging nanay eh. Biruin mo ikaw lang lagi ang nakakapagpatahan dyan sa inaanak mo.” Ani ni Bessy.

Napaisip ako sa sinabi nya. Kailan nga kaya ano? Kapag nangyari yun, ibibigay ko lahat ng oras ko sa kanya syempre pati kay Poy. Mamahalin ko sila ng sobra-sobra. Sisiguraduhin kong nasa tabi nya kami habang lumalaki sya.

“ Hindi naman, talaga lang namimili ng maganda yang anak mo.” Sabay ngiti ko sa kanya. Inihiga ko na si Bebe Ayann sa stroller nya.

“ Kelan nga kaya kayo magkakababy ni Seth no? Dalian nyo naman ha, para naman may makalaro si Ayann paglaki nya.”

Umiling-iling lang ako sa sinabi nya, si Bessy talaga. Laging ganyan yan eh, lagi nyang pinaglalaban na sya daw ang pinakaunang member ng LOVETEAM namin ni Poy. Sabi nya kahit madami kaming pinagdaanan ni Poy, alam nya daw na si Seth ang talagang naktadhana sakin. Kaya nga nung nalaman nila na magpapakasal kami sa Simbahan, hindi sya pumayag na hindi sya ang Maid of Honor. Eh wala rin naman akong ibang gusto kundi sya, what best friends are for diba?

“ Ikaw talaga, kung kami naman ang tatanungin gusto narin namin ni Poy eh. Ibibigay din samin yan ni Lord. Nga pala, Bessy. Susunduin  daw ako ni Poy mamaya. Kung gusto mo sabay ka na rin samin papuntang Simbahan.” Baling ko sa kanya.

“ Nako wag na, papasundo nalang ako kay Mahal. Tutal kasama rin naman kami dyan sa practice-practice nayan. Hay nako, bakit nung kami ang ikinasal wala namang ganyan?” nakasimangot na sabi ni Bessy.

“ Bessy naman eh,” tukso ko sa kanya.

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon