ASKA - 27 (PART I)

27.6K 439 25
                                    

DEDICATED SAYO LABLAB♥

Chapter 27  (PART I)

[ SOMETHING IS WRONG ]

 

“ Bakit ka pa ba kasi sumama?”

 

“ Wala, gusto ko lang.”   

Nakakainis, kanina pa kasi sya nagrereklamo kesyo malayo pa daw ba, kesyo nagugutom na sya at kung anu-ano pa.

“ Kung nagpaiwan ka na lang kasi sana sa bahay, kasama ko naman si Bessy.”

 

“ Malay ko ba kung katiwa-tiwala yung Chris nayun?”  hindi talaga sya nagpapatalo  sa sagutan, kahit pa nagmamaneho sya hindi yan titigil ng kakareklamo.

“ Ilang ulit ko bang sasabihin, kaibigan ko si Chris at sya rin ang nagligtas ng buhay mo. And besides, my girlfriend na yung tao 'no! 'Wag ka ngang praning.” Pilit kong pinapaintindi sa kanya yan simula palang sa bahay.

“ Hindi parin ako kumbinsido….”, “ Ang hirap mong paliwanagan…” sabay naming sigaw sa isa’t-isa.

“ HINDI BA KAYO TITIGIL NA DALAWA HA? PAG-UNTUGIN KO KAYA KAYO! ANG SAKIT NYO SA DIMPLE!” dahil sa sigaw nayan ni Charlie kaya kami napatigil na dalawa. Mula n’un wala ng umimik sa amin.

“ Dito nalang.” Kakarampot kong sabi tyaka sya humanap ng pagpaparkan.

Kaming tatlo lang ang sakay ng elevator at para nanaman kaming hindi magkakilala sa ikinikilos namin. Kay Bessy ako nakakapit habang walang humpay na katext yung asawa nya. Parang mga bata e, hindi mapalagay kapag magkalayo.

“ Dito ka nga.” Utos nya sakin.

Hindi ko sya sinunod kahit tinitingnan nya ako, mas kumapit lang ako ng mahigpit kay Bessy. At ito namang tyardor na to, pinapamigay ako. “ Alis nga Bru, ang init init kaya”. Wala na akong nagawa kundi maging kalapit ng bwisit na lalaking to. Nakakaimbyerna talaga, alam ko naman na kaya sya sumama kasi hindi nya ako pinagkakatiwalaan. Akala nya siguro, kagaya nya ako na kung sino sinong lalaki ang pupuntahan kagaya ng ginagawa nya.

Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko pero nagpupumiglas ako, o sige pakipot na kung pakipot pero wala akong paki kahit magalit sya ngayon. Tiningnan nya ako  ng seryoso na para bang naguutos sya sa isip nya ng “ Isa, kapag tinanggal mo lagot ka sakin.”

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now