ASKA - 24 (PART I)

28.9K 431 25
                                    

Chapter 24  (PART I)

 

[ WHAT’S GOING ON? ]

 

Nagising ako sa isang haplos na naramdaman ko sa aking pisngi. Pagmulat ko sya agad ang bumnungad sa akin. Kung ganito ba naman ng ganito ang makikita ko parang gusto ko ng maratay nalang sa kama. Agad nya ring inalis nang nagmulat ako. Medyo kinilig pa nga ako dahil nakita kong para syang nahiya.

“ Kanina ka pa?” malambing kong tanong sa kanya habang hinahaplos ang kamay nya.

“ Gusto mo bang magkasakit huh? Tss, ang bigat bigat mo pa.” kasabay ng pagtayo nya. Bakit ganito tong lalaking to, akala ko naman sweet na sya pero ngayon nakakunot nanaman ang noo nya.

Napaisip ako sa sinabi nya. Oo nga ano, ang alam ko sa viranda ako nakatulog, ibig sabihin binuhat nya ako papunta rito? Yieh, kapag talaga malapit sya sakin bumibilis na ang tibok ng puso ko. Okay na sana kaso may mabigat pa e, di pa aminin na nagke-care sya sakin hihi. Kiri ko lang!

“ Ah sorry kung nabigatan ka pa.” sagot ko sa kanya. “ Sino ba kasing may sabi na dalin mo ko dito? Ikaw na nga ‘tong walang pasabi kung san pupunta, tapos…” bulong ko pa, wala naalala ko nanaman kasi yung kaninang wala akong alam kung san sya pumunta.

“ Sinabing kapag may sasabihin wag bubulong-bulong!” pahabol pa nya habang nakatalikod at tyaka lumabas ng pinto.

Hinampas ko ang gilid ng kama, bakit ba ang lakas ng pandinig nya? Nakakahiya naman, Ih ang tanga tanga aba!

Bumangon na ako at tiningnan sa salamin ang itsura ko, ay anak ng teteng! Ang gulo gulo ng buhok ko, para akong galing sa isang lugar na sinalanta ng bagyo. Sinuklay ko na lang at tyaka  ko iniayos ang suot kong damit. Naptitig ako rito at hindi ko naman maikukubli na may itsura ako kahit papaano. Mahaba parin ang buhok ko at tama lang ang pangagatawan.

“ Tama, hindi ka pwedeng magpabaya sa sarili mo, alalahanin mo dyan mo nakuha ang supladong y'un!” sabay duro ko sa salaming kaharap ko. Para na ba akong timang sa ginagawa ko? Basta, ganyan talaga lalo kapag may taong nagpapakilig sayo. ☺

Naabutan ko silang naghahain na sa kusina. Yung mga lalaki nakaupo na. “ O girl, hindi ka mabubusog kung tatayo ka lang dyan.” Si Jena talaga oo! kaya naman lumapit na rin ako sa kanila at tumabi kay Seth.

Hay nako, ayan nanaman sya, hindi nanaman nya ako pinapansin. Tinitingnan ko sya pero diretso lang ng subo.

“ Paabot naman ng kanin.” Hinihintay kong sya ang mag abot pero parang wala syang narinig, ni hindi man lang tuminag at kumilos para iabot sakin. “ Ahm, Seth yung kanin, paabot naman.” Pag ulit ko, pero wala. Matagal akong napatingin sa kanya, baka sakaling pansinin nya ako kung tititigan ko sya.

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now