ASKA - 17

24.6K 406 16
                                    

SALAMAT SA SUPORTA   ♥ ENJOY!

Chapter 17

 

[ START OF SOMETHING NEW ]

Parehas kaming parang naputulan ng dila sa sobrang katahimikan. Walang nagsasalita, tanging kalansing lang ng mga kutsara at tinidor ang maririnig mo. Eh bakit ba, sa wala naman akong sasabihin eh, tyaka sya ang umalis at walang pasabi kung kailan uuwi.

“ Ahm.. Poy, nasa tuka..dor nga pala yung phone mo. Baka kasi..”

 

“ Ano pang silbi n’un, eh sira naman.” Sinabat nya agad ako. Hay nako, sabi ko nga diba? Akala ko naman kung anong nangyayari kasi pinagluto nya ako y’un naman pala wala lang. Asa pa ko no!

“Ah,,” bumalik nalang ako sa pagsubo.

Katahimikan nanaman, tapos na akong kumain pero sya hindi pa. Tatayo na sana ako para ligpitin yung pinagkanan ko nang bigla syang magsalita.

“ Kung gusto mo, pwede kang sumama.”

Ha, ano raw? Saan ako sasama?

Hindi ako nakaimik, pero tiningnan ko sya na para bang naguguluhan ako. Di ko kasi sya magets eh.

“ Tss. Kung ayaw mo di wag.” Tas bigla na syang tumayo. Eh? Ano ba naman kasi y’un? Malay ko sa sinasabi nya! Pero bago pa sya makalayo agad na akong nagsalita.

“ Sa..sama ako!” Kahit saan pa y’un okay lang, basta kasama ko sya.

Tumigil sya saglit at tyaka tumingin sakin, kinabahan ako kasi malapit na malapit sya ngayon. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Dapat maging masaya ako kasi nababawasan na ang pagiwas nya sakin, the fact na gusto nya akong isama.

“ May balak ka bang ibaon to?” sabay haplos sa pisngi ko at pakita ng isang butil ng kanin! Utang na loob! Nakakahiya! May musing pa ako.

Napaatras ako at agad na humawak sa pisngi ko, kinakapa ko ito kung meron pang natira. Tama ba ang nakikita ko? Nakangiti ngayon si Poy, yung ngiti nyang natural! “ Tss.” Tapos nawala ulit yung ngiti nya at tyaka ako  nilamapasan.

Whaaaaa! Anak ng talong! San galing yung kanin nayon? Nakakahiya naman, grabe at talagang kailangan nya pa akong ngitian, kundi ba naman nangiinis! Bigla akong napaisip sa ikinikilos nya. Ano bang nangyari? Bakit bigla syang nagbago? Dahil ba to sa pinagusapan nila ni Pin? Is it a sign for a change?

“ Kung ako sayo, kikilos na ko kung may balak akong sumama!” sigaw nya galing sa may kwarto. Hala! Ano ba naman? Puro kahihiyan nalang ang nangyayari sakin eh! Agad na akong kumilos at niligpit yung pinagkainan namin.

Desidido na ako ngayon! Kahit mag asawa na kami ngayon, pero dahil sa nangyari para kaming gumagawa ng bagong simula, para kaming bago pa lang nagliligawan. Back to zero na para bang  ngayon ko palang sya nakikilala. Yung tipong, Seth na suplado lang ang kaharap ko ngayon sa halip na asawa ko. Ang alam ko lang, masaya na ako kahit sa ganitong bagay lang.

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon