ASKA - 27 (PART II)

24.4K 417 22
                                    

PABASA NG " SOUL SIGNS" panigurado mapapangiti kayo at kikiligin rin naman :) Pati narin yung "MY DREAM GUY"

Part 2 baby :) O, hindi ko alam kung bakit naging ganyan. alam nyo na siguro kung sino ang tatanungin hehe. Sa lalaking suplado nalang po ♥ 

Chapter 27 (PART II)

 

“ Gaano na kayo katagal?” walang anu-anong tanong ni Seth kina Chris, dahil kita ko namang dito sya nakatingin.

Napatingin naman bigla si Yori kay Chris na parang hindi mapakali.

Hmmm, Mag wa one year narin.” Sagot ni Chris tyaka hinawakan ang kamay ni Yori na nasa lamesa. “ Right Babe?”

 

“ Ah, o… oo mag-iisang taon na.” sabay kakarampot na ngiti ni Yori na para bang medyo naiilang pa sa paghahawak kamay nila.

“ Hey, are you alright Babe? May problema ba? “ tanong ni Chris dito.

“ Wa..wala  bee.. Babe. Ayos lang ako, ano ka ba. Hehe.” Tyaka nya tinanggal ang kamay nito sa hawak ni Chris sa pisngi nya.

“ Kayo ha, nilalangam na kayo!” sigaw ni Kuya Lex. At nangsimula ng kantyawan yung dalawa. Nanahimik na ulit si Seth matapos nun.

Sa totoo lang, masaya talaga ako para sa boy best friend ko. Bagay na bagay sila ni Yori at para sa akin sobrang sweet nilang tingnan. Si Chris na sobrang alaga sa mga babae at si Yori na sa tingin ko naman ay ubod ng bait.

Nagkwetuhan pa kami kung saan sila nagkakilala. Matagal na pala silang magkaibigan, bali kababata nga sya ni Chris lumipat lang ito ng bahay kaya nagkalayo sila pero hindi naman yun naging hadlang sa pagkikita nila. Sa palagay ko nga, super close nila sa isa’t isa e. Nung nanginterview na kasi itong mausisa kong Bessy marami syang nasagot. Hindi mo talaga mapagkakaila na kilalang kilala nila ang isa’t-isa.

Sobrang dami ng tawa namin, si Chris kasi panay ang pagpapatawa haynako kolokoy talaga! Nagsipagtayuan na dahil tapos narin namang kumain. Bumalik na kami sa sala kung saan naroon ang ibang bisita. Iniwan muna kami ng magkasintahan at binati ang iba pang dumarating.

“ Seth,” umpisa ko palang pinutol nya na agad ang sasabihin ko.

Halika na, umuwi na tayo.” -__-“

 

 

“ Ha, aalis na agad tayo e hindi pa man lang nga tayo nagtatagal.”

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Место, где живут истории. Откройте их для себя