ASKA - 28

26.2K 440 39
                                    

NOT EDITED, SORRY FOR ERRORS! ☺

 

 

Chapter 28

 

[ Am I ready? ]

Nagpalipas muna ako ng oras, hindi ko sya sinundan sa loob ng kwarto. Bahala sya mag isa nya. Kalalaking tao napakahirap pagpaliwanagan, ako pa ang lalabas na may ginagawang masama saming dalawa. Ano ba sa akala nya, hindi ako nahihirapan? Kung alam nya lang, ayaw ko rin namang buksan yung issueng yun kaso sya itong nag uumpisa.

Kahit may luha sa mata ko minabuti ko nalang pumunta sa kusina at magkutingting ng kung anu-anong bagay. Hinugasan ko nalang ang naiwan na hugasin kaninang umalis kami. Gusto kong ibaling sa iba ang atensyon ko. Hindi ko mailakas ang iyak ko kasi ayaw kong marinig nya na iniiyakan ko sya. Ayaw ko ng makita nya na mahina ako. Pero nakakasira lang ng ulo. Hindi ko magawang pigilan ang mga luha ko, kusa silang lumalabas para akong batang umiiyak sa isang tabi.

Narinig kong bumukas ang pinto kaya agad kong pinahid ang luha ko. Alam kong nasa likod ko sya ngayon, naghintay ako ng gagawin nya pero iinom lang pala ng tubig. Nakita ko kasing kumuha sya ng isang bote ng mineral at rinig ko rin naman dahil malapit lang ito. Minadali ko na ang ginagawa ko at inunahan syang pumasok ng kwarto, sinara ko rin agad.

Pumasok na ako sa banyo at nagpalit na ng damit, inayos ang sarili at nagpantulog. Kung yan ang gusto nya, sige walang imikan kung walang imikan! Sinong hahamunin nya? Mas mabuti pa nga na wag nalang kaming magkibuan kesa magsisigawan lang kami.

Pagkaraan ng mga kinse minutos, nahiga na ako. Muli kong narinig ang pagbukas ng pinto kaya naman tumagilid ako at pumikit. Naramdaman kong may umupo sa gilid ng kama. Matapos noon ay wala ng kumilos. Ibabaling ko na sana ang mukha ko ng bigla syang nagsalita.

“ Gising ka pa?” nalumanay lang ito. Hindi ako sumagot, wala talaga ako sa mood makipagusap.

“ Alam kong hindi ka pa tulog, walang mangyayari kung hindi natin to paguusapan.” Ayan nanaman sya, sya na nga itong may kasalanan sya pa ang may ganang magmando!

Umayos na ako ng higa paharap s akanya at dahandahan umupo ng bahagya.

 

“ Ako muna pwede?”  sya nanaman, hindi ako ulit umimik at hinayaan lang sya. Doon ko lang nakita na nakatalikod pala sya sakin.

“ Tototo, kasama ko si Pin last time. But..”

 

 

“ Kitam!...” hindi ko napigilan, sabi na nga ba e! gusto kong sumigaw at sabihin sa kanyang bakit nya yun ginagawa. Akala ko ba gusto nya ako ang kasama nya pero bakit kailangan nya pang makipagkita kay Pin?

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon