ASKA - 18

25.3K 413 24
                                    

OH NGITI NAMAN DYAN, BAWAL ANG SIMANGOT!

 

Chapter 18

 

[ Yieh! ♥ ]

Kahit hindi marunong ngumiti ‘tong lalaking ‘to, para parin akong nanalo sa Lotto. Ang sarap kasi sa pakiramdam na kasama ko sya. Alam kong nakukulitan na sya sakin kasi masyado akong naexcite kaya nasosobrahan ako ng daldal.

“ Tara na.” bigla nyang sabi. Dahil d’un medyo nalungkot ako, ang aga pa naman pero bakit aalis na agad kami? Nageenjoy pa man din akong malapit ako sa kanya.

Kahit naman siguro anong gawin kong pamimilit sa kanya hindi ko na mababago ang desisyon nyang umuwi. Gusto ko pa sanang manuod ng sine, kumain kahit sa food court lang basta kasama sya at marami pang iba. Sa totoo lang kasi hindi pa namin nagagawa ang mga bagay na iyon. In fact, isang beses palang naman kami nakakapagdate sa tinagal-tagal namin ah? Yung sa Amusement park palang. :(

Isang beses palang din nya akong nabibigyan ng chocolates at flowers. Hindi naman sa masyado akong materyaloso ang kaso lang kasi, lahat naman siguro ng babae gustong binibigyan sila ng mga ganoong bagay diba? Yung para bang prinsesa? Bata palang ako ninais ko na maranasan lahat ng iyon. Pero simula nang nakilala ko si Seth nawala lahat ng standards na y’un, lahat kinalimutan ko dahil para sa akin. Makasama lang sya habang buhay, para na rin akong naging prinsesa.

Napansin nya siguro na medyo busangot na yung muka ko, kasi bigla nya akong hinawakan sa kamay at hinatak papunta sa WOF – World Of Fun. Napawow ako ng bumili sya ng maraming token, siguro nasa lampas sampung tokens y’un. Binigay nya sakin yung lima, sa kanya naman yung kalahati.

Nakakapanibago, dati kasi nung magkasintahan palang kami ayaw na ayaw nya sa ganitong lugar masyado raw pambata. Samantalang ngayon, sya pa ang bumili ng mga tokens. Sinundan ko lang sya, tumigil kami sa tapat ng isang machine. Siguradong pangbasketball ito dahil may ring sa magkabila. Napatingin ako sa kanya, ayan nanaman yung ngisi nyang parang may binabalak.

“ Let’s make a deal. Kapag nanalo ka,” tumigil muna sya sa pagsasalita at para bang nag isip ng susunod na sasabihin. “ Magsisine tayo.”

“ Kahit ano? Kahit anong gusto ko?” excited ko pang tanong, bukod sa makakasama ko pa sya ng mas matagal, may chance pa akong mapanuod yung matagal ko ng gustong panuorin!

“ Anything, If only you will win.” tyaka sya muling ngumisi, ano bang naiisip kasi nitong lalaking to?

“ What if ikaw ang manalo?” curious ako sa pag ngisi nya eh. Sigurado naman kasing may kapalit y’un  no!

“ Simple, uuwi na tayo at..” pero di nya na tinuloy yung sasabihin nya.

 

“ At? At ano?”

 

“ It’s for me to know.” Tyaka sya naghulog ng tig dalawang tokens sa machine.

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now