ASKA - 13

25K 439 23
                                    

Chapter 13

 

[ ]

Mag aalas dos na rin ng madalaing araw ng maalimpungatan ako. Haisyt, ni hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako sa kakahintay kay Poy. Tiningnan ko agad ang telepono ko kung may balita na ba galing kay Kuya Led, ngunit nalungkot ako dahil wala ni isa.

Minabuti ko nalang na pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Pero naudlot ang pagpunta ko rito ng may narinig akong nagdoor bell, kaya naman pinuntahan ko agad ito. Bumungad sakin ang hirap na hirap na muka ni Kuya Led habang akay-akay si Poy sa balikat nya.

“ Kuya, a..anong nangyari?” Sabay tulong ko sa pag akay at idiniretso namin si Poy sa kwarto.

 

“ Ikaw na bahala dyan sa gagong yan. Ang lakas uminom, kung hindi pa sinabi sakin ng kaibigan ko hindi ko pa malalaman na simula kaninang hapon nandon na sya at nagpapakalunod sa alak.” Pabalang na bitiw ni Kuya Led kay Poy na bumulagta sa kama.

“ Nako Kuya, pasensya ka na ha. Hindi ko naman sinasadyang maabala ka….”

“ Look, it’s not your fault. Sige na bahala ka na dyan sa asawa mo.” Palabas na sana sya nung muli akong nagsalita.

“ Kuya sa..lamat talaga ha. Tyaka pasensya narin.” Nahihiya kong sambit.

“ Kami nga ang nahihiya sayo eh, hindi mo dapat nararanasan ang ganito. Pero sana wag mong susukuan yang kapaitd ko. Maayos rin ang lahat.” Nakatalikod nyang sabi. Tyaka nagsimulang lumakad. Kapatid nga sya ni Poy, ganyang-ganyan din sya si Seth noon, kaparehas ng mga galaw ni Kuya Led.

Pagkasarado ko ng pinto, agad akong kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig para punasan si Poy. Sinimulan ko nang tanggalin ang kanyang pantaas at marahang pinunasan ito. Habang ginagawa ko iyon, hindi ko parin maiwasang mahiya, kahit naman kasal na kami hindi parin samin nawawala ang salitang respeto. Ngunit sa isip-isip ko, ngayon ko nalang rin pala muling nahawakan at naging ganito kalapit sa kanya. Mula kasi nang maaksidente sya, nagyon palang ang unang pagkakataon na muli ko syang mapagsisilbihan sa bahay na ito. Kahit naman pagbalik-baliktarin ang mundo ako parin ang asawa nya kaya katungkulan kong gawin ang mga bagay na ito.

Pero utang na loob naman, bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Sa tuwing nakikita ko ang mga labi nya para akong nanabik rito. Gusto ko ulit maramdaman ang tamis ng mga halik nya at ang init ng yakap nya. Gustong-gusto ko na sya muling maangkin, gusto kong maging isa muli kami.

Sa bawat haplos ko ay naririnig ko ang mga unggol nya, muli nanamang nanariwa sa akin ang mga panahon na nagdaan. Parang nangyari na rin ito, nung minsan kaming umuwi na lasing rin sya. Kaparehas noon, nasa bandang baba na ako ng kanyang katawan ng maramdaman kong pigilan nya ang aking mga kamay. Totoo ba ito? Pinigilan nya muli ako, hinihintay ko na sabihin nya ulit ang mga katagang dati nyang binitawan ngunit sa halip na marinig ito ay hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko at dahan-dahang idinala sa bandang dibdib nya. Naging dahilan ito upang mapadantay ako sa hubad nyang katawan. At nang magpantay ang aming mga muka, nakita ko na nakamulat ang kanyang mga mata. Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at tyaka ako hinalikan.

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now