ASKA - 6

28.7K 418 34
                                    

Chapter 6

 

[ SPOILER PAG MAY TITLE ]

“ WHAT? Anong nangyari? “ sigaw ni bessy, kaya naman agad ko syang tiningnan. Pagkababa na pagkababa nya ng phone nya

“ Bessy, sa bahay, bilis!” Alam kong may kakaiba sa kanya kaya pagkasabi na pagkasabi nya, mabilis pa sa alas kwatro ay pinaandar ko na yung kotse.

Hindi na ako mapakali, panay kasi ang pag-aalala ni Bessy, kinokontak nya si Jigs pero hindi raw ito sumasagot.  Kitang-kita ko ang pagkabalisa sa muka nya. Pero kahit anong pigil ko hindi ko parin maiwasang magtanong.

“ Bessy, ano bang nangyayari?” tanong ko habang mabilis paring pinapatakbo yung kotse.

“ Si.. Si Jigs kasi tumawag, pauwi narin daw sya sa bahay. Tumawag daw si Manang, si Bebe Ayann kasi inaapoy raw ng lagnat.” Halatang nag-aalala si bessy, yung boses nya kasi. Nakahawak din sya sa ulo nya na para bang sobrang bigat ng iniisip. Syempre anak yun no!

Hindi  na kami nakadaan pa sa pupuntahan pa namin. Tatawagan ko nalang sila, ang mahalaga ngayon eh si Bebe Ayann. Buti nalang maluwag ang kalsada at walang traffic, kaya mabilis kaming nakarating sa bahay nila.

Pagkatigil nung kotse agad na bumaba si Bessy, naiwan ako dahil inayos ko pa yung pagkakaparada nung kotse sa tapat ng bahay nila.  Sana naman walang mangyaring masama kay Bebe Ayann. Medyo sakitin pa man din yung batang yun.

Nang maiparada ko na ito ng maayos, sumunod narin ako sa loob. Ang ipinagtataka ko lang madilim sa buong bahay. Wala ni isang bukas na ilaw. Hindi ko tuloy alam kung saan ako hahakbang, hindi naman sya sobrang dilim sadyang wala lang akong mahalata. Wala rin akong ni isang ingay na naririnig, hanggang sa may biglang isang napakaliwanag na ilaw ang tumapat sa akin, para syang spot light.

Doon ko nalamang narinig ang isang pamilyar na tugtugin, napaharap ako sa direksyo kung saan pakiramdam ko’y doon nagmumula ang tunog. At tama nga ang hinala ko, dahil sa isang iglap lang ay napahawak ako gamit ang dalawa kong kamay sa aking bibig dahil sa hindi iaasahang pangyayari.

(play video>>> by lighthouse family. Verison of JM De Guzman, credit to the owner.)

“Sometimes I get tired of this me-first attitude 
You are the one thing that keeps me smiling 
That's why I'm always wishing hard for you..”



habang binibigkas nya yung mga linya ng kanta, hindi ko mapigilang mapaluha. Isipin nyo naman, nakatingin lang sya sakin. Pagkatapos nung pinaka chorus nung kanta, ibinaba nya yung gitara nya tyaka lumapit sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko tyaka hinalikan sa noo. Sabay sabing

“ Diba ipinangako ko sayo to, hindi ako papayag  na yung sa ospital ang proposal ko. Syempre gusto ko may saksi sa lahat, gusto ko nandito buong pamilya mo, pamilya ko at mga kaibigan natin.” Nakahawak na sya sa muka ko ngayon habang pinapahid ang mga luha ko. Tumingin ako ngayon sa paligid ko na kanina ay madilim, ngayon ay bumukas na ang ilaw tyaka ko sila nakita isa-isa. Sina Mama, Papa, sina kumpleto na silang lahat. Nandun si Kuya Enzo, pati narin si Dad at mga kapatid ni Poy kasama si Mia. Si Bessy, napapaluha rin sya habang karga si Bebe Ayann.

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now