ASKA - 23

26.8K 442 22
                                    

Salamat sa patuloy na suporta!  IT REALLY MEANS A LOT ☺

Chapter 23

 

[ SECOND DAY AT THE BEACH ]

 

“ Booo!” gulat sakin ni Bessy habang nandito ako sa kwarto namin ni Seth.

“ Ay bulati!” kasi naman, kiniliti nya pa ako sa may bewang. E naghahanap ako ng pambihis ko. Medyo nabasa kasi, actually hindi medyo kasi basa talaga! Si Seth kasi, bigla ba naman akong buhatin at sabay kaming lumublob sa dagat. Masakit sa balakang pero ang sweet nya no? Yaaah! Nakakainis kinikilig nanaman ako.

“ Ang ganda namang bulati n’un!” pangbabara nitong bruhang 'to sakin.

“ An'yare sayo? Hmm, alam ko na. nakaiskor ka no?” tataas taas kilay nya pang tanong sakin.

“ Anong iskor ang pinagsasabi mo dyan?” minsan lang naman ako magtaray sa kanya, kaya okay lang yan.

“ E kasi naman po, yang ngiti mo sa labi e umaabot na hanggang batok mo!” sabay duro sa pisngi ko palibot hanggang sa may batok. Tapikin ko nga yung kamay nya, na pa “ Ouch! ” naman sya.

“ Ang arte te!” biro ko, ang landi kasi nung pagkakasabi nya ng ouch, e parang hindi namin yun ginagawa dati.

“ Biro lang, pero di nga. Umiskor ka no?” kitam naghahaka lang syang masakit yung tapik ko sa kanya. Pero dahil excited rin naman akong ikwento sa kanya ang nangyari samin ni Seth sa dalampasigan kanina kahit tirik ang araw e syempre kinuwento ko na rin.

 

FLASHBACK

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko ngayon, magkahawak kamay lang kaming naglalakad. Hindi naman ako makaangal na tanggalin ang kamay nya kasi nga magnanakaw raw ako ng halik. Tyaka wala naman talaga akong balak na tanggalin! Hihi, okay ako na ang feelingera. Pero syempre gumana nanaman ang utak kong pakipot epek. Kaya naman bigla kong hinila iyon at tyaka nagtampisaw sa sea side.

“ Tss,” yan nalang ang narinig ko sa kanya habang nakapamulsa at pinapanood ako.

Tiningnan ko naman sya na para bang sinasabing gayahin ang ginagawa ko dahil masaya to, pramis! Ang lamig ng tubig, natatalo ang sikat ni haring araw. Ngunit tulad ng inaasahan ko, pumirmi lang syang nakapamulsa at iiling-iling na napapangiti dahil sa mga ginagawa ko.

Ewan pero parang umandar ang pagkapilya ko, kaya sumalok ako ng tubig at iwinisik sa kanya. Haha, ang cute nya kapag nagsasalubong ang mga kilay nya. Ayan tuloy napagalaw sya at iniharang ang mga kamay nya para hindi sya mabasa. Sinusuway nya narin ako, “ Tigil mo nga yan! Isa!”

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora