ASKA - 29

25.4K 486 51
                                    

WARNING: medyo SPG

Chapter 29

 

[ ULO ]

“ Nasan sila?” bulong ko sa sarili ko. Nang makita kong ganoon rin ang reaksyon ni Charlie nagsimula na kaming maghagilap. Muli naming tiningnan ang nagkukumpulang tao sa bandang gitna ng Bar at nalaglag ang panga naming dalawa sa nakita namin. Isang babaeng nagsisgaw at para bang umaawat sa mga lalaking nag aambang magsusuntukan.

“ Sina Jena yun diba! Tara tingnan natin!” sumunod naman ako kay Charlie, at oo nga nandito sila at inaawat sina Pj at nag banda sa paghahawakan ng kwelyo sa kabilang grupo.

“ Bitawan mo nga ako.” rinig pa naming sabi ni Jigs. May kumakapit kasi sa balikat nya na isang lalaking mukang basag ulo. Nang hindi ito bitawan ng mamang iyon ay agad syang binira ni Jigs. Medyo kinakabahan ako sa mga nakikita ko, Hindi naman sa dehado sila kaso may pagkakataon rin na tinatamaan sila ng suntok nung kabilang grupo.

Muling binira ni Jigs yung lalaking hindi tumatantan sa kanya, narinig ko pa si Bessy habang proud na sinasabing “ That’s my Jigs. Wala sisiw yan.” Talaga naman tong si Charlie, sa halip na mangamba parang natutuwa pa.

Hinagilap agad ng mata ko kung nasan si Seth, nakita kong may isa syang itinulak, susuntukin sana sya pero agad nya itong nasalo. Diyos ko tatalon ata ang puso ko kapag nagpatuloy pa to. Hindi naman ako makalapit dahil marami ng taong nagsisitinginan.

“ Bru, ano ba. Halika na pigilan na natin sila. Baka mapano pa sila.”

Wag ka nga Bessy, kaya nila yan. Tingnan mo nga yun asawa mo relax na relax lang.” muling nabaling ang tingin ko kay Seth na ngayon ay parang wala lang nagyayari, nakalagay lang ang dalawa nyang kamay sa bulsa, maya maya pa ay nakita kong palinga linga sya. At nagtagpo ang mga mata namin, at ang mokong nakuha pang kumindat.

“ See!” bulong sakin ni Bessy. Sus naman, bakit sila ganyan!

Muli kong iginala ang paningin ko ang kaninang pumipigil sa kanilang si Gemma, Divina at Jena ayun, binubuhusan nan g beer sa ulo yung mga kasama nung kaaway nina Seth. Pinokpok pa nga ni Divina ng bote sa ulo yung isa.

Hanggang sa tumilapon nalang yung isangmamang malaki, nakita kong sinipa sya ni Seth sa tyan ng tangkain nitong Pukpukin ng bangkuan si Vien.

“ Whoooo!” sigaw pa ng mga tao.

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now