ASKA - 3

35.1K 503 26
                                    

PAUNAWA: May mga scenario sa baba na hindi angkop sa mga bata. Hindi sya ganun ka intense pero hindi parin appropriate.

Chapter 3

 

[ FIRST NIGHT ]

This time, nauna akong gumising sa kanya. Nakayakap sya sakin habang pinagmamasdan ko ang mahahaba nyang pilik pababa ng pababa sa matangos nyang ilong haggang sa mamula-mula nyang labi. Hindi rin nakalampas sa aking paningin ang nunal nya sa may baba, para sakin nagbibigay ito ng dagdag kagwapuhan para sa kanya. Hinawakan ko ang labi nya at doon muling nagbalik ang mga ala-ala nang unang gabi namin ni Poy.

FLASHBACK

“ Princess! Ingat dyan sa asawa mo! Lalaki muna dapat!” pahabol na sigaw ni Kuya Third.

Sa Condo ni Poy kami dumiretso. Ang sabi nya, “ Asawa na kita kaya sakin ka titira.” Kinabukasan nalang daw namin kunin yung mga gamit ko. Paupahan ko nalang daw yung Unit ko, extra income ko pa raw yun pag nagkataon.

Hindi na ako tumanggi pa, bukod sa ayaw kong magsagutan kami eh syempre gusto ko rin namang tumira sa iisang bubong kasama sya. Yieh hindi ako malandi, natural lang sa mag-asawa yun no.

Nang makarating kami sa may parking lot, pagkalabas na pagkalabas nya palang sa kotse agad na syang umikot at binuhat ako. Yung tipong pang bagong kasal talaga. Biruin nyo puro pasa pa sya sa katawan noon. Pero bakit pakiramdam ko ni hindi man lang sya nasasaktan? Sinipa nya lang yung pinto ng kotse para sumara.

“ Poy ibaba mo na ako, mamaya masaktan ka pa eh, di ka pa nga masyadong magaling binubuhat mo na agad ako.”  Di nya ako pinansin at nagdirediretsyo lang sa paglalakad, kahit nasa elevator na kami karga nya parin ako. Sabi ko nga diba? Hay nako Eli, nakalimutan mo na ba na saksakan ng suplado nyang pinakasalan mo? Kung di ka ba naman maberat kung ganito kasama mo sa buhay, hay nako! Pero yaeh na! Mahal ko naman eh!

Nasa tapat na kami ng Unit nya pero hindi nya parin ako ibinababa. Hanggang sa buksan na nya yung pinto gamit ang password nito na birthday ko daw! Yieh, wag magdeny! Kinikilig ako!

Pagkapasok namin ibinaba nya ako tyaka binuksan yung unang botones ng suot nyang Polo shirt. Pabagsak syang umupo sa sofa  na para bang pagod na pagod. “ Ang bigat mo, baboy” habang nakatingin sakin.

“ Eh sino ba kasi may sabing buhatin mo ko hanggang dito? Baboy pala ha!” inis kong sabi, sabay talikod sa kanya. Nakakainis eh, wala namang may sabing buhatin nya ako tyaka nagpapababa naman ako kanina ah. Sya nga tong parang timang na hindi ako pinapansin eh.

Pumunta nalang ako sa kusina at naghanap ng makakain ko, bahala sya hindi ko sya ipagluluto. Magluto sya ng pagkain nya. Kanina dinaig pa yung mga bida sa pelikula nung yayain akong magpakasal, tapos ngayon baboy na ang tawag sakin. Hindi naman ako mataba ah! In fact may korte nga yung bewang ko eh. Baboy, baboy. Baboy nya muka nya!

Pagbukas ko nung ref nya, ay anak ng kabuti. Walang laman! Puro tubig at alak lang, may iba man Hotdog at Bacon lang ulit. Wala paring pinagbago, yung lalaking yun talaga. Kukunin ko na sana yung isang balot ng Bacon nang bigla akong nakaramdam ng tao sa likod ko. Alam kong sya yun. Hinayaaan ko lang sya dun, neknek nya! Maghanap sya ng seksi!

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang