ASKA - 26

24.9K 417 21
                                    

Chapter 26

 

[ IS HE LYING TO ME? ]

 

*ELI*

Madaling araw na pero wala pa sya. Hindi nya naman sinabi kung san sya eksaktong pupunta. Pagod na pagod na ang katawan ko at kusa naring pumipikit ang mga mata ko pero hindi ko magawang hindi isipin kung bakit sya nagmamadaling umalis. Ganoon ba kaimportante  ang tawag na sinagot nya? Hasyt, kung ano man y’un sana hindi naman magdudulot ng masama sa kanya. Kapag kasi ganitong oras na, talagang hindi ako napapakali kapag wala pa sya dito sa bahay. Nagkatrauma na ata ako nung naaksidente sya.

Hanggang sa may pumukaw ng atensyon ko, isang tumutunog na bagay. Agad kong hinanap ang aking telepono sa bag at tyaka sinagot ang tawag.

“ O Roan, napatawag ka?” sagot ko sa kabilang linya. Wala sana akong balak sagutin dahil dis oras na pero gising pa naman ako kaya sinagot ko na rin. Si Roan, isa sa mga college friends ko.

“ Girl! Hindi mo man lang sinabi na pupunta pala kayo dito sa Bar ni jhsklhkldjvkljvi! Tapos hindi nyo man lang kami binati ng asdfghjklihikfvd mo, gumora agad kayo!” nakasigaw nyang sagot. Hindi ko pa masyadong maintindihan dahil sa lakas ng sounds, siguro nasa Bar nanaman sya ng Kuya nya. Simula ata nung makilala ko sya, ganyan nayan e. Laging laman ng mga Bar.

“ Ha? Hindi kita masyadong marinig!” sagot ko naman, ang ingay talaga nung background music.

“ ANG SABI KO, BAKIT HINDI MO MAN LANG KAMI PINANSIN KANINA! KASAMA MO PA YUNG ASAWA MO, SI… SI SETH DIBA? ANG HOT NYA GIRL!  IKAW HA, ISNABERA KA NA NGAYON, TINATAWAG PA NGA KITA UMALIS NA KAYO AGAD!” wait, what did she say?

“ Ako? Kamasa si Seth?” Mabilis pa sa alas kwatro kong sagot sa kanya.

“ Wait? Hindi ba ikaw yung kasama nya kanina? Hindi naman ako pwedeng magkamali sa nakita ko, si Seth talaga yun e. Kaya nga tinatawag ka namin pero hindi ka lumingon tapos para kayong nagmamadali na para bang may hinahanap!” Tuloy nya.

“Sigurado ka ba sa nakita mo Roan? Pero hindi kami magka… wait, ano bang itsura nung girl?” usisa ko rito.

“ Ahm, kaya pala nagtataka ako kanina ni hindi ka man lang lumingon. And besides akala ko talaga ikaw y’un di ko lang talaga naconfirm kasi nakatalikod ka kaya nga tinawagan kita.” sa mga naririnig ko parang biglang nawala ang masakit sa tengang background music sa kabilang linya at lahat ng narinig ko ay malinaw pa sa sikat ng araw. Nakaramdam nanaman ako ng kirot sa dibdib, hindi ko maipaliwanag pero babae ang kasama nya?

“ Roan, baka nagkakamali ka lang. Nasa business trip kasi si Seth ngayon. His with Dad, and kachat ko pa sya kanina.” Karagkag kong sagot kay Roan. Hindi pwedeng pag isipan nila ng masama si Seth kapag nagpahalata ako.

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now