HIDDEN CHAPTER I

28.7K 372 28
                                    

Ooops, hindi ka pa dapat nandito kung hindi mo pa nababasa ang FINALE at EPILOGUE. Naka-private ang dalawang iyon. Followers only have the access.


 

Ang Hidden Chapters, ay ang mga kwento sa likod ng Suplado trilogy. Hindi ko alam kung ilan ito Tungkol sa mga sikretong bumabalot sa bawat karakter, pati narin ang mga lihim na pagplaplano, mga naputol na senaryo at mga kaganapang itinago ng tadhana. Basta, lahat ng ito may kinalaman sa kwentong sinubaybayan natin. Sana mabasa nyo hanggang sa huli :')



Hidden Chapter I

 

[ HIS STORY ]


" Tama na Yori, itigil na natin 'to. Masyado ka nang nasasaktan!" wala sa sarili kong sabi sa kanya.


" Hindi, kaya ko pa. Hindi naman ako nagrereklamo diba? Kakayanin ko, hindi kita isusuko." Kapit nya sa mga braso ko.


" Kulang pa ba ang dalawang taon para hindi mo makitang hindi ako karapat-dapat sa'yo? Hindi ka ba napapagod? Hindi mo ba nakikita, hindi kita mahal!" walang pakundangan kong bulyaw sa mangiyak ngiyak nyang itsura.


Dahil sa mga sinabi ko, nakita ko ang lungkot at sakit sa mga mata nya. Umatras sya at humawak sa nakaawang na labi nya. Tila ba, ayaw nya nang mga narinig nyang kataga. Unti-unting tumulo ang kanyang mga luha na galing sa kaliwang mata, tanda ng pighati.


Hanggang sa tumigil sya sa pag atras at tyaka tumingin sa akin ng diretso.


" Tama ka, nakakapagod na nga." Malamig nyang tugon at doon, tumalikod sya at lumakad ng bahagya.


Sa ginawa nyang pagtalikod, bigla akong nakaramdam ng pagkalungkot. Dahil ba sa mga sinabi ko? Bakit parang nagsisisi ako na sinabi ko sa kanya ang mga iyon? Masyado akong naging makasarili, naging walang kwentang lalaki at wala na akong ginawa kundi lagi syang gamitin at saktan. Gusto ko sana syang pigilan pero muli syang tumigil at nagsalita.


" Siguro nga hindi ako kagayang-kagaya nya, at ni minsan hinding-hindi magiging sya.  Siguro nga napakatanga ko dahil pumayag akong magpagamit sayo. Wag kang mag alala, kahit masakit tanggapin na naging panakipbutas lang ako at pagpapanggap lang ang lahat ng ito. Hinding hindi ako nagsisi, kaya kong tiisin lahat para sa'yo. I'm willing to be hurt, Chris. Mahal parin kita, wag mo sanang kakalimutan yan." Muli syang humarap sa akin at muli kong nakita ang luha nyang lumalandas patungong pisngi. Tyaka sya tuluyang lumakad papalayo sa akin.


 Sa mga oras na iyon gusto ko na syang habulin, gusto kong humingi ng tawad sa kanya pero parang pinako ang mga paa ko at pilit na nilalamon ng isip ko ang mga kadahilanang sasaktan ko lang sya. Hindi sya liligaya sa piling ko, isang manggagamit at isang talunan.

 

Anong magagawa ko kung ni minsan hindi naman talaga naging sya. All this time, nakakabatang kapatid lang ang tingin ko sa kanya. Dahil ni minsan hindi naman talaga nawala sa isipan ko ang nag iisang babaeng minahal ko ng lubusan. Ilang beses ko man syang kalimutan, sa kanya parin ako bumabalik.

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now