ASKA - 24 (PART II)

26.4K 423 26
                                    

Chapter 24 (PART II)

 

 

“ Bakit ba ngayon ka lang? Halika nga!” sabay hatak sa akin palabas ng kubo.

Ngayon ay nakahawak sya sa aking mga kamay, hindi naman masyadong madiin tama lang para mapasunod ako kung saan man sya pumunta. Nang makalayo kami sa kubo binitawan nya ito at tyaka nakatalikod na humawak sa bewang nya. Nagulat ako nang humarap sya sa akin, simula ulo hanggang paa ang ginawa nyang pagtingin. Nakaramdam tuloy ako ng konting hiya sa aking katawan, kanina pa sya ganyan. Hindi naman sa paghahangad pero muka talagang gandang ganda sya sa akin ngayon. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.

“ Wag mo nga akong titigan ng ganyan.” Nahihiya kong sabi pero syempre kinikilig sa kaloob looban.

“ Bakit ganyan ang suot mo?” sa narinig kong iyan, napatingin ako sa kanya at napansin kong  magkasalubong na pala ang kilay nya. Buong akala ko ay gusto nya ang naging ayos ko pero bakit pakiramdam ko ilang saglit nalang at sasabog na sya.

“ Hindi mo ba nagus..tuhan?” nanlulumo kong tanong sa kanya.

Suminghal sya at halatang kinokontrol ang sarili, pagkaraa'y tumingin muli sa akin ng diretso. “ Look, urgg!” sabay gulo sa buhok nya. “Gusto okay? Pero langya naman, baka may mabalian ako ng leeg ng wala sa oras!”

 

 

Sa sinabi nyang iyon, hindi ko alam kung magagalit ako o matutuwa. Basta ang alam ko lang pakiramdam ko nasa isa akong telenovela na may super protective na boyfriend este asawa pala.

“ Tss, ano?” naiinis nyang tanong. Hindi ko talaga magawang magalit sa kanya ngayon kaya bilang sagot sa sinabi nya, ngumiti ako at marahang kinuha ang kamay nya para holding hands kami. Tyaka ko sya kinurot nang bahagya sa ilong at sinabing

“ Oo na, sorry okay? Wag kang mag alala gets kita.” At doon tumiay ako ng bahagya at hinalikan sya sa pisngi "tsup!". Hindi sya nagreact pero nakita kong lumaki ang dalawa nyang mata.

“ Lika na, balik na tayo sa kanila.” Yaya ko sa kanya, sus kundi ko pa alam, talagang nabigla sya sa ginawa ko. E kasi naman sya e, masyado nya akong pinakikilig sa mga ginagawa nya.

“ Saglit.” Pigil nya sa akin.

“ hmmm?” tanong ko sa kanya.

“ Isuot mo muna ‘to.” Nakita kong may kinuha sya sa bulsa at napatulala ako ng makita ang isang kwintas. Sya ang nagkabit sa akin nito, umikot sya sa aking likuran at ramdam na ramdam ko ang pagtama ng kanyang mga kamay sa aking batok habang hinahawi nya ang mga buhok ko sa isang tabi.

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now