ASKA - 10

25.4K 410 36
                                    

Chapter 10

 

[ AWW ]

 

Paulit-ulit kong nararamdaman ang kirot ng tila ba kuryenteng dumadaloy sa aking katawan. Pakiramdam ko’y hinahagupit ako ng isang matabang latigo sa aking likod. Sa di ko maipaliwanag na emosyon kusa akong nalanta. Nalantang parang isang bulaklak. Alam kong may tiwala ako kay Poy pero bakit sa pagkakataong ito, sobra akong nasasaktan?

Hindi pa ba sapat na kusa nang lumayo si Pin? Bakit kung sino pa ang wala na sa buhay namin, sya pa itong naaalala nya? Samantalang ako, ako itong babaeng katuwang nya sana sa buhay ay hindi man lamang nya makilala.

Pabagsak akong umupo, at doon parang nanlumo sa nalaman ko. Hindi ako lumuluha, nakahawak lamang ang aking palad sa mga labi ko. Wala akong mapakawalang salita. Maski nga siguro ang mga mata ko ay napapagod na.

“ Okay ka lang Eli?” tanong sakin ni Charlie, pagkaupo nya sa harapan ko.

Lumipas ang isang minutong hindi ko sya sinasagot. Nakatulala lamang ako, hindi ko kasi matanggap ang binitiwang salita ni Bessy.

“ Eli, Bessy? Okay ka lang?” ulit nyang tanong.

Kahit na nasasaktan ako, pinakita ko paring okay lang ako. Ngumiti ako sa kanya at sinabing.

“ Ah, oo. Okay lang a..ko. Baka hinahanap nya lang si Pin kasi diba, magkaibigan sila dati?” pilit kong kinakalma ang sarili ko. Ayokong makita ni Bessy na umiiyak nanaman ako. Kung palagi nila akong makikitang mahina at umiiyak, baka sisihin nila si Seth at iyon ang pinakaayaw kong mangyari. Ayokong dahil sa kahinaan ko ay kamuhian nila ito.

“ Eli, wag mo kong gawing tanga. Alam mong kilala kita, kung tinatago mo yang nararamdaman mo dahil nahihiya ka. Pwes kumita na sakin yan!” Kompronta sakin ni Bessy.

“ Bakit kasi samin pa nagyari to Be…ssy? May ginawa ba akong kasa…lanan para mangyari samin to?” kahit pigilin ko, may luha paring kumawala sa mga mata ko.

“ Sabi na nga ba eh, yan nanaman iniisip mo? Diba ikaw si Eli? tanda mo nung college pa tayo? Sino ba si Seth? Diba sya ang pinakasuplado at pinaka aroganteng lalaking nakilala mo? Pero ano? Ikaw mismo ang nagpabago sa kanya. Ang dating masungit na lalaki, tumiklop ng dahil sayo. Kaya kung iniisip mo na hindi ka nya makikilala, ibaon mo na yan sa hukay dahil gagawin natin lahat ng paraan maalala ka lang nya!” sa di ko malamang sitwasyon napatingin nalang ako na para bang nagtatanong kay Bessy. Kung bakit? Dahil habang sinasabi nya ang mga katagang yon, para bang may binabalak syang gawin.

Hindi nga ako nagkamali, dahil matapos noon ay sinabi na nya sa akin ang balak nyang gawin bukas. Alam na daw ito ng buong banda at handa silang tumulong sa gagawin namin. Hindi man kami sigurado kung makakatulong ito, atleast susubukan namin.

KINAUMAGAHAN

Maaga akong sinundo ni Bessy galing sa Condo na tinitirhan namin ni Seth. Kahit mugto pa ang mga mata ko dahil sa pagluha ko kagabi maaga parin akong gumising, para gawin ang isang bagay na baka makatulong para makaalala si Poy.

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now