ASKA - 25

26.1K 452 41
                                    

SEMBREAK NA! woot namiss ko kayo! Kaya eto na!  kiss sa ngala-ngala! ♥

 

Chapter 25

 

[ MISUNDERSTANDING]

*SETH*

 

“ Fuck! What happened?” Inis kong sagot sa kabilang linya. Si Pin kasi tumawag, nag away daw sila nung gagong Jeff nay’un ang masama pa, muntik na raw syang pagbuhatan ng kamay. Anak ng! Sabi na nga ba’t may lahing pagkabading yung putapeteng y’un e!

“ Hey relax okay? Wait for me.”

 

Paalis na sana ako ng makita kong lumabas ng kwarto si Eli, sinabi ko sa kanyang wag na akong hintayin at magpahinga na. Ang hindi ko lang nasabi ay kung saan ako mismong pupunta, sobrang nataranta na kasi ako at naiinis parin tuwing naalala ko ang basag na boses ni Pin sa telepono.

Pagkasara ko ng pinto agad na akong sumakay sa sasakyan at tyaka umalis.

***

Nakakaisang doorbell palang ako ay agad na akong pinagbuksan ng isang babaeng kahit madilim ay alam mong mugto ang mata sa kakaiyak. Bigla nya akong niyakap kaya naman niyakap ko rin sya, pagkatapos ay inilayo sakin at pinunasan ang kanyang luha. Ayan say at umiiyak nanaman!

“ Seth, si Jeff. Si Jeff.” Sabi nya sa pagitan ng mga hikbi nya.

“ Shit! Where’s that asshole huh?”

 

“ Bigla nalang syang umalis at, at, at hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin. Seth tulungan mo ko. Please, I’m begging you.” Pagmamakaawa nya.

“ Muntik ka na ngang saktan tapos ikaw pa ang hahanap sa kanya? Ano to gaguhan?” umiinit na ang ulo ko, anong klaseng lalaki yun? Matapos sigaw siagawan ang babae aalis agad at magpapahanap pa? Nkakakagago talaga!

“ No Seth, you don’t understand. Ako ang may mali at isa pa hindi ko kaya kung mawawala sya sakin.”

 

“ What are you talking about Pin?” nasa labas kami ng bahay nya pero wala akong pakialam kahit sumisigaw na ako, hindi ko kasi maintindihan kung bakit nagpapakatanga sya gagong sa lalaking yun.

Pumasok kami sa loob at doon nya sinabi ang lahat. Nasa isang Mall kasi sya nang makita nya si Jeff kasama ang isang babaeng kaholding hands nito. Nagkaroon sila ng kaunting hindi pagkakaintindihan at tyaka napunta sa pagsusumbatan. Marami raw syang nasabing masasamang bagay kay Jeff hanggang sa mapunta na sa issue ng panakip butas. Hanggang sa nalaman nya na sya ang mali, dahil ang babaeng palang kasama ni Jeff ay pinsan lamang nito. Kaya sya iyak ng iyak ay dahil sa hindi sya naniwala kay Jeff at ang dami nyang nasabing hindi naman dapat.

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now