ASKA - 22

28K 505 33
                                    

Chapter 22

 

 

[ POY MOMENTS ♥ ]

 

 

Nagpatuloy lang ang laro namin hanggang sa magkayayaan ng magsipasukan, dahil nga nakainom narin sina Gemma pati yung ibang mga girls minabuti na nilang pumasok sa loob. At ang magaling kong Best friend, ayun nagpakarga pa sa asawa nya magkukunwari pang lasing eh alam naman naming lahat na matibay sya sa mga inuman, sinong niloko nya? Kung hindi ba naman talaga sabik na sabik kay Jigs e. Sina Yvo naman may pahabol pa bago mangiwan.

“ Pa’no ayusin nyo na yan ha. Ang lalaki nyo na, makakagawa na nga kayo ng bata tapos ganyan pa kayo umasta. Ang sakit nyo sa puson, ang hirap nyo paliitin!” aniya habang nakaakbay kay Divina. Diba? Para silang timang, kung anu-ano lumalabas sa mga bibig nila. At teka, alam ba nila na may pagkakatampuhan kami ni Seth. Ay bakit ba hindi ko nahalata yun? Ang bopols ko rin e.

Hindi ko rin alam kung ano ba ang tumatakbo sa utak nitong supladong to, kaming dalawa nalang ang natira. Nung patayo na kasi ako kanina bigla nya akong hinawakan na naging dahilan ng pagkakaupo kong muli. At yun nga, kaya ako heto at hindi alam kung anong ikikilos.

Halos magkakalahating oras na kaming ganito pero wala paring ibig magsalita. Hindi nya ba alam na kahit nilagay nya yung sweater nya sakin e nakakaramdam parin ako ng lamig? Hindi naman kaya ako balat kalabaw na kayang tumagal sa ganitong lugar no!

“ Wala ka bang balak pumasok?”, “ Galit ka pa?” sabay naming bigkas.

Napatingin kami sa isa’t-isa pero agad rin syang umiwas. Kumilos sya at buong pag aakala ko’y tatayo na sya para iwan ako dahil sa nakita ko kaninang ekspresyon nya. Ngunit mali ako, dahil kumilos sya para mas lumapit sa akin.

Sa totoo lang, ngayon ko na lamang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Yung para bang unti-unting tumitigil ang oras, sa hiniling hiling ko na bumilis mas lalo pang bumabagal kapag malapit sya sa akin. Ang gulo ko diba? Nung mga nakaraang araw lang gusto ko palagi syang nasa tabi ko, pero simula nung nalaman kong hindi parin nya ako naaalala nagbago ang lahat. Naiilang ako kapag malapit sya, pero hindi ko naman maiwasan na kiligin sa bawat ginagawa nya. Ultimo simpleng titig nya sa akin, naninigas ako sa kinalalagyan ko. May mga oras naman na gusto ko nang matunaw.

Pakiramdam ko tinatraydor ko ang sarili ko. Taliwas ang ginagawa ng katawan ko sa sinasabi ng isip at puso ko. Sa mga oras na to gusto kong syang yakapin ng mahigpit at sabihing “ Bumalik ka na, ngayon na.” Pero iba naman ang kinikilos ko, sa halip na lumapit sa kanya pilit akong umiiwas. Lahat ng nasa isip ko hindi ko maiparamdam sa kanya.

“ Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, galit ka pa?” aniya

“ Galit ba ako?” Aist ano ba tong dila ko, san galing yung tanong nay’un?

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now