ASKA - 11

24.4K 387 25
                                    

Chapter 11

 

[ SUPLADONG PRINSIPE ]

Ngayon ang araw ng paglabas ni Poy sa Ospital. Halos inabot rin sya ng tatlong linggo bago payagang makalabas. Dahil na rin daw sa mga test na ginawa, pati na rin ang sa recovery ng mga fractures nya. Sa loob ng mga araw na iyon, hindi ko naiwasang umiyak magdamag, kumain ng walang kasabay, maging malungkot at higit sa lahat ang maramdamang nag-iisa lang ako sa mundo.

Ang hirap pala, nasanay kasi ako na nandyan sya sa tabi ko palagi. Nasanay ako na sa tuwing umaga, gigisingin nya ako at tyaka lalambingin. Yung sangkaterbang pang iinis na ginagawa nya sakin noon, ngayon ko lahat hinahanap-hanap. Ang hirap, sobrang hirap, kaya tuloy sa umaga hindi na ako nagtataka kung sa pag gising ko pa lamang may luha na agad na papatak galing sa mga mata ko.

Sa totoo lang napakasaya ko ngayon, dahil nga sa katotohanang makakasama ko na ulit sya. Oo nung una naguguluhan sya kung bakit kailangang magkasama kami sa iisang bubong, pero dahil sa hindi naman makitid ang utak ni Poy sa huli pumayag na rin sya.

Tinunutulungan naman ako ni Dad na ipaalala lahat ang nangyari kay Poy. Hindi nya parin ako naaalala pero nagbago rin naman kahit papaano ang pakikitungo nya sa akin. May mga oras na pilit nyang inilalayo ang sarili nya sa akin, ngunit may oras rin namang hindi. Hindi nya na ako parating itinataboy, nakikinig rin sya sa mag sinasabi ko. Pero iba parin talaga, may oras na gusto ko ng sumuko ngunit hindi ako nagpapatalo sa nararamdaman ko. Ang alam ko lang, “ Pag nagmamahal ka, ibibigay mo ang lahat, lahat-lahat.”

Papunta na ako ngayon sa Ospital. Hanggang tenga na ata ang ngiti ko ngayon. Iba talaga eh, nag iimporve na sya. Okay na sakin ang ganoon, kahit paunti-unti, kahit kakarampot lang na pagpansin sakin, ayos na. Naalala ko noong araw na bumisita kami ni Bessy sa kanya dala-dala yung Graham, nagalit sya dahil akala nya binubuyo ko pa syang kumain noon kahit alam kong may allergy sya don.

Siguro nagtataka kayo kung bakit masaya pa ako ngayon no? Samantalang iyak pa ako ng iyak nung time na yon, kasi ganito yung nangyari.

FLASHBACK

Lahat ng sinabi ni Jigs pinakinggan kong mabuti. Paalis na sana ako ng biglang may tumawag sa telepono nya. Naudlot ang sana’y pag alis ko dahil narin sya pagtawag nya sakin.

“ Eli, si Seth!” pagkarinig na pagkarinig ko sa kanya, agad akong lumingon at tyaka hinitay ang susunod na sasabihin ni Jigs.

“ Bigla daw sumakit ang ulo ni Seth. Hindi daw nila alam kung ano ang gagawin.” Nag-aalalang sambit ni Jigs.

Agad naman akong kinabahan, dahil baka kung ano ng nangyayari kay Poy. Baka epekto yoon ng pagkakasalpok ng ulo nya, o kaya naman baka dahil yon sakin. Dahil pinagpilitan ko pa sa kanya yung Graham, baka dahil doon sa galit nya sumakit ang ulo nya. Ang daming kung anu-ano ang pumapasok sakin. Hindi ko mapigilang mag-alala sa kalagayan nya.

Palabas na sana ulit ako, gusto ko syang puntahan. Kahit ayaw nya ako makita, kahit ipagtabuyan nya ako, ayos lang. Basta masigurado ko lang na nasa ayos ang kalagayan nya. Pero bago pa ako makalabas tinawag muli ni Jigs ang pansin ko.

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now