ASKA - 30

26K 483 60
                                    

NOT EDITED, SORRY FOR ERRORS. ENJOY!

FINALE and EPILOGUE is PRIVATE.

 

Chapter 30

Since that romantic night, which is the “ Sunod Ulo Operation” hindi na nawala ang ngiti ko sa mukha. Kahit pagkagising na pagkagising ko palang ng umagang iyon hindi ko mapigilang sariwain. Ay diyoskolord, mamamatay na ata ako sa kalandian ko kasi naman tong asawa ko hindi ko mahindian! Nakakapanglambot tuhod e!

 Yung lusaw na ako kindat palang nya, yung bawat minutong nakikit ako syang sumuslyaw sakin, ay ibang bulati na ata ang nasa tyan ko. Parang naghalohalo na ang paru-paro, ibon, paniki, tilapia, bangus at kung anu-ano pa sa sobrang kilig ko.

At ngayon, ngayon lang naman ang araw kung kelan kami pupunta sa Obi ni Charlie na isina suggest nya sakin. Syempre sya ang kasama ko. Hindi pa nga kasi alam ni Seth diba, gusto ko pang maconfirm tyaka ko sasabihin sa kanya para naman masurprise sya.

The moment na lumabas na si Doktora sa kabilang panig ng kurtina hindi na nawala ang kabog sa dibdib ko, excited na para bang gustong gusto ko ng marinig ang magandang balita, para bang kumakawala sa dibdib ko ang puso ko pero may konting takot rin kasi baka mali ako at masyadong nageexpect lang. Dala-dala nya ang ginamit kong pregnancy test at resulta ng examinations na ginawa nya kanina sakin.

Ayan na, palapit na sya ng palapit. Dug dug, dug dug, parang nag uunahan ang puso at paghinga ko. Hindi ko pa nga mabasa ang reaksyon ni Doc nung makita namin sya pero nang ngumiti na sya biglang napalitan ng tuwa ang nararamdaman kong kaba tyaka nya sinabing….

“ Congratualtions Mrs. Montiverde you’re one month pregrant. Siguradong matutuwa ang husdband mo nito.” Nakangiting balita samin ni Doktora samin.

Sobrang kasihayan ang naramdaman ko sa balitang iyon, napahawak nalamang ako sa sinapupunan ko habang nakatingin kay Charlie.Tyaka may kumawalang luha sa mata, luha ng pagiging masaya. This is it! I’m really excited to see my baby. As in pwede akong magpamisa sa sobrang saya ko!

“ I knew it Bru! Sabi ko naman sayo diba! I’m so happy for you!!!” nauna pa akong yakapin ni Bessy sa halip na kamayan ni Doktora.

“ Thank you po!” tyaka palang kami nagshake hands. Nanginginig pa kong inabot ang kamay nya, ganito talaga ako kapag sobrang natutuwa eh, walang paglagyan. Kung marami nga kaming tao dito sa room baka lahat sila mayakap at mahalikan ko pa.

Si Bessy ang mausisa kaya mas marami parin syang mga tinanong kay Doc kesa sakin, may sinasabi pa syang kung pwede parin daw ba IYON gawin ng mga mag asawa kahit may laman na sa loob. Sumangyaon naman si Doc, dahil magiging maselan lang naman kung nahihirapan na kami, that’s the sign na kailangan ng bawas bawasan. Sinuway ko pa si Bessy sa mga sinasabi nya kasi nakakahiya na kay Doc, pero infairness kung hindi nya pa iyon tinanong hindi ko pa malalaman. Oo ng pala’t may anak na si Bessy kaya alam nya na yung mga bagay na ganito. Grabe namumula ako sa mga pinagsasasabi nya.

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now