ASKA - 14

24.8K 415 21
                                    

Chapter 14

 

[ BOX ]

Sa pagmulat ng mata ko, muli kong nasilayan ng malapitan ang napakakisig nyang muka. Totoo ang lahat,hindi ako nananaginip dahil sariwa pa sa isip ko ang nangyari kagabi.  Muli naming pinagsaluhan ang malamig na gabi sa piling nang isa’t-isa.

Hindi ko maiwasang hawakan ang mukha nya. Ni minsan hindi kumupas ang pagkamagandang lalaki nya. Teka, nasabi ko na bang gwapo ang asawa ko? Parang hindi naman, pero gwapo talaga sya eh at wala nang makakabago non. Napangiti ako, dahil nakita kong kumilos sya nang bahagya na para bang naiirita dahil may humahawak sa muka nya kaya naman tinanggal ko na ang pagkakahawak ng kamay ko.

Bumangon na ako at dali-daling hinanap ang mga damit ko na kung saan-saan lang ibinato ng lalaking ito kagabi. Para akong timang sa pagmamadali dahil iniiwasan kong makita nya akong walang saplot. Kasi nga nahihiya parin ako, ewan ko ba hindi ko rin maipaliwanag.

Gustuhin ko mang kunin na lamang ang kumot na nakatapis saming dalawa kanina, nagdalawang isip parin ako dahil pagnagkataon makikita ko rin ang lahat-lahat sa kanya. Ngayon ngang nakikita ko ang taas na bahagi ng katawan nya hindi na ako makapagtimpi, ano pa kaya kung lahat-lahat na? Baka di ko mapigilan ang sarili ko at sunggaban nalang sya habang natutulog pa. Anla! Wala akong sinabi, nagbibiro lang ako. Wait! Ayaw ko nga ba? Hala, nagiging manyak na ata ako sa sarili kong asawa.

Minabuti ko nang pumasok sa banyo at tyaka sinimulang ayusin ang sarili ko. Mabilis ang ginawa kong pag aayos dahil may balak akong maghanda ng umagahan. Bali ito kasi ang unang pagkakataon na ipaghahanda ko sya ng breakfast, sya kasi ang gumagawa n’on sakin dati. Sweet diba? Biruin nyo ako ang babae ng lagay nayan, pero ako naman ang tigatimpla ng kape nya no!

Nanlaki ang mata ko ng makitang wala na si seth sa kama.

“ Nasan na kaya yon?” Nagtatakang tanong sa isip ko.

Agad akong lumabas ng kwarto para hanapin sya. Wala sya sa sala kaya naman tingingnan ko na ang kusina at tama nga ako. Isang seth na half naked, sa baba ay jogging pants na itim ang nakaharap sa ref habang umiinom ng tubig sa pitsel. Kitang-kitang kita ko paggalaw ng adam's apple nya habang lumulunok. Pati tuloy ako ay napalunok na rin. Bakit ba ang hot nya tingnan kapag gan’on? Syet! Ang akward lang nang nararamdaman ko, para kaming hindi mag asawa sa inaasta ko. Parang bago lahat sa pakiramdam.

Lalo na nang makita ko ang mamasa masa nyang labi. Hindi ko tuloy maiwasan na mapakagat sa labi ko. Yung totoo? Naakit ba ako sa labi nya? Gusto ko syang lapitan at agad na sunggaban! Gusto ko ulit maramdaman ang paglalapat ng mga labi namin.

Pero nagulat ako ng bigla syang tumingin sa direksyon ko. Napakatural lang ng tingin nya sa akin. Kung paano sya tumingin sakin dati nung hindi pa kami magkakilala, ganon rin ngayon.

-___-

 isinara nya na ang pintuan ng ref at tyaka diretsong lumakad  palampas sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, buong akala ko babatiin nya ako tulad dati. Hinihintay kong gawin nya ang mga bagay na y’on.

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now