ASKA - 32

26K 536 79
                                    

NOT EDITED SORRY FOR ERRORS!

PAALALA:  Ihanda ang tissue, panyo, towel, napkin, whisper, modess, happy, EQ diaper (kahit anong size) at lahat meron kayo.

 

 

Chapter 32

[ 2nd To The Last Chapter ]

 

*CHARLIE*

“ Now tell me, what’s your plan?” seryoso parin ang usapan namin dito. Nasabi ko nang lahat, pati ang naaambang pag alis ni Bessy bukas papunta sa parents nya.

Pero kahit anong gawin ko hindi ko mabasa ang ekspresyon sa muka ng lalaking ito. Blangko lang ito na para bang walang narinig.

“ I don’t know, I really don’t know.” Walang kaemoemosyong nyang sambit. Nakita ko pa ang pagkuyom ng kamao nya na nakapatong sa tuhod nya.

“ WHAT THE—“ napaawang nalang ang bibig ko, nakakainit talaga ng dugo ang lalaking ito. Nalaman na nya lahat pero wala parin syang balak gawin? Wala ba syang pakialam sa mga nangyayari? Sya nga itong dahilan ng pag alis ni Eli tapos tutunganga lang sya.

“ Ibang klase ka rin talaga no? Gabi gabi kang nasa labas ng bahay namin, halos sirain mo na nga ang pintuan malaman lang kung nasan si Eli tapos ngayon para ka dyang istatwang wala man lang gagawin?” wala na akong pakiaalam kung magalit sakin ngayon si Jigs sa mga pinagsasasabi ko sa kaibigan nya.  Dahil maski rin kasi sya ay natahimik na.

Bigla syang tumayo at akmang paalis na, doon ako sumabog at tumayo rin sa pagkakaupo ko.

“ ANO BA SETH? JUST THIS ONCE BE A MAN! WAG KA NGANG MAGING DUWAG, HARAPIN MO TO!” Buong lakas kong sigaw sa kanya. Tumigil sya at ibinaling ang ulo sa gilid para makita ako pero nakatalikod parin at para bang lupaypay na nakatayo.

“ Anong gusto mong gawin ko? Ayaw nya akong makausap ni makita man lang. Nasabi ko na sayo ang dahilan nang nakita nyo kami sa Restaurant. Sya na ang nagdesisyon, ni hindi nya nga man lang gustong ipaalam sakin ang pag alis nya. Maybe she’s right, maybe I’m really not worth it.”

At muli, muli ko nanaamang nakita ang pagluha ni Seth. Ito ang pangalawang beses na nakita ko syang umiyak. Una ay noon sa parking lot ng school nung nahuli rin namin sila ni Pin na magkahalikan at ngayon, ngayon nalang ulit. Kahit hindi ko masyadong kilala ang pagkatao ni Seth, kinukurot ang puso ko kapag nakita ko na ang mga mata nyang lumuluha. Isa lang ang ibig sabihin nito, nasasaktan sya. Sobrang nasasaktan sya.

Pero sobra ring nasaktan ang kaibigan ko! Hindi ko na alam kung sino ang papanigan ko, ang alam ko lang parehas silang nasasaktan at napangunahan ng mga maling pagaakala.

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now