ASKA - 16

24.4K 400 33
                                    

Chapter 16

 

[ MULING IBALIK? ]

 

“ Hell! Tama na! Hindi totoo lahat ng yan. Sinasabi mo lang to para layuan kita!” tyaka ko sinuntok ng malakas yung lamesa, lumabas at agad pumunta sa dating tambayan. Kailangan kong iinom to, Langya!  Paano nya nasasabi lahat ng y’un? Taena! Gusto kong magwala!

Lalo pa kanina habang tinitingnan ko sya at kausap ako. Walang bahid ng kasinungalingan ang mga mata nya. Pero pa’no ko naman paniniwalaan ang lahat ng sinasabi nya kung ang mismong utak ko taliwas ang gustong marinig galing sa kanya!

“ Urgg!” dabog ko. Napapaluha ako, bwisit! Ang bading tingnan hindi ko matanggap lahat!

FLASHBACK

“ Ano ba Seth, pumayag akong makipag usap dahil sabi mo makikinig ka! Then what? Uunahin mo nanaman yang init ng ulo mo! Gusto ko kayong tulungan, please naman kahit ngayon lang, makinig ka.“ Nakikita kong nagbabadya na ang luha sa mga mata nya. Shit! yan ang pinakaayaw ko eh! Lalo pa sa babaeng pinakatatangi ko.

Bumuntong hininga muna ako, tyaka napilitang sumangayon sa kanya “ O sige, para sayo makikinig ako.”  

“ Okay, alam nating dalawa na tapos na ang lahat satin. Five years ago, iniwan kita by using Jeff which is my boyfriend now. Oh I mean, my fiancé.” Napapitlag ako sa sinabi nya, tyaka tumingin sa mga mata nya. Ikakasal na sya? At sa tarantadong lalaking y’un pa? Fuck!

“ F..fiance?”

“ Yes Seth, I’m getting married. Sana matanggap mo y’un at sana matanggap mo na hindi na pwedeng maging tayo, dahil may kanya-kanya na tayong buhay ngayon. Ikakasal na ako, may asawa ka na. May mga obligasyon na tayong dapat gampanan. Minsan na akong nagkamali at nakagawa ng masama sa inyong dalawa, ayaw ko ng maulit pa!”

Ano bang sinasabi nya? Hindi nya ba alam na kaya kong iwan lahat para sa kanya?

“ Kaya kong iwanan sya para sayo.” Diretso kong sabi. Tangna! Bakit pa ako magpapaligoy-ligoy kung sya naman talaga!

 dho: ang sarap mong pugutan ng ulo SETH!

“ Ano ba Seth? Hindi mo parin ba nakikita? Mali to, mali na ako ang naalala mo. Hindi mo alam kung gaano ako naging kasama noon na halos kamuhian mo ang buong pagkatao ko dahil sa ginawa ko sa’yo, sa inyong dalawa ni Eli!”

Hinawakan ko ang kamay nya ngunit pilit nyang iniiwas.

“ Walang mali! Ikaw ang naiisip ko, ikaw ang hinahanap ko, ikaw ang mahal ko!” Nak ng, bakit ba ayaw nya akong pakinggan!

“ Seth, listen okay?” umiiyak na sya. Shit! Ako ang nagiging dahilan ng pagluha nya!

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now