ASKA - 31

25.7K 460 39
                                    

NOT EDITED, SORRY FOR ERRORS. 

Masama pakiramdam ko pero nag UD, sobrang natutuwa kasi ako sa dami ng reaksyon nyo. Pasesnya na kung mabibitin, talagang masakit na po ang ulo ko. nahihiya lang ako sa mga super ang suporta kaya ito pinilit ko na. Sana ganoon din ang suporta dito para mas masaya.  Makikibasa ang note sa baba.

Chapter 31

 

[ DECISION ]

 

“ Sure ka bang okay ka na Bessy? Kasi kung hindi pa, pwede naman akong magstay—“

 

“ Hindi na Charlie. Okay na ako, baka hinahanap ka narin ni Ayan. Basta yung pinag usapan natin, wag na sanang makakarating sa kanila.” Putol ko sa kanya.

Mag aapat oras na rin kaming magkasama ni Charlie. Sa loob ng mahabang oras na iyon wala syang ginawa kundi pakinggan ang mga walang katapusan kong hinaing. Ni isang panunumbat wala akong narinig sa kanya, hinayaan nya lang akong ilabas ang lahat ng sakit, ng kirot, lahat lahat pati na ang mga panlulumong nararamdaman ko. Nandito lang sya sa tabi ko para damayan ako.

Talaga namang sa mga ganitong panahon, sya lang ang nakakaintindi sa akin. Sya lang ang kaya kong takbuhan kapag hindi ko na kayang itago. Sya lang ang nakakaalam lahat ng mga pagtitimpi at pagtitiis ko.

Kahit alam kong gustong-gusto nya nang patayin sa mura si Seth ngayon, hindi nya parin ginawa. Marahil ramdam nya na masasaktan ako at hindi iyon makakatulong sa lagay ko ngayon. Alam kong kahit sobrang poot sa puso ang nararamdaman ko hindi sya nanggatong sa galit ko.

Sa halip pinayuhan nya pa ako na kahit raw anong mangyari, mangyayari. Walang problemang binigay ang Diyos ng walang solusyon. Lahat ng iyon ay pagsubok sa amin.

Sinabi nya ring pakinggan ko si Seth pero hindi ko pa kaya sa ngayon. Kahit kasi hindi sabihin ni Charlie, kita ko sa kanya na gusto nyang maayos namin ito. Pero ni ayaw kong makita kahit na ang anino nya, dahil alam ko sa sarili ko na sa oras na magtama ang mga mata namin, matutunaw ako at muli nanamang magpapakatanga. Agad na lalambot at mahuhulog sa mga salita nya. Muli nanamang magpapaloko sa isang gaya nya. Sa katulad nyang walang ginawa kundi magpaasa, magpahintay sa mga walang kasiguraduhang bagay.

Tarantada ako kung sasabihin kong hindi ko na sya gusto pang makita muli pero sa ngayon, alam kong mas makakabuti kung hindi talaga. Darating siguro ang panahon na maghaharap kami at aayusin ang lahat. Basta ang alam ko lang, sa tinagal tagal ng panahon sa puntong ito lang ako nakaramdaman na sobra na pala akong nagpapakamanhid, at dahil naipon lahat para rin itong isang bomba na sumabog ng sabay-sabay. Sa sobrang tagal at dami, hindi ko alam kung kelan huhupa. Kung kelan magiging handa, at kung maghihilom pa ba.

“ Pano, gusto ko mang magpakacrying lady kasama mo rito hindi naman pwede. Baka hiwalayan ako pagnagkataon ng hot kong asawa kung papangit ako.” sumisinghot at nakangiwi pang sabi ni Charlie.

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now