EPILOGUE

15.7K 285 61
  • Dedicated to To all of you guys. :)
                                    

 This. Pasensya na kung mahaba. =) The last (last na talaga) chapter of MMB. iLoveyou all! :*

Tignan niyo si Daddy Dom with Baby Drei sa gilid. :)

EPILOGUE

November 9.

"HUBBBBBYYYY!!!"

I breathe in and out as fast as I can.

"Hubby kooo! Manganganak na 'koooo!!!" langya naman 'tong asawa ko, kung san-san nagpupunta!

Mabuti nalang at nasa side table ko lang ang cellphone ko. I picked it up. At kahit sobrang sakit na ng tiyan ko ay pinilit ko pa rin siyang tawagan.

Isang ring lang ay sinagot niya na ang tawag.

"HUBBY WHERE THE HELL ARE YOU?! LALABAS NA SI BABY!!!" hindi ko na siya hinintay pang magsalita.

Ilang saglit ay parang may narinig akong malakas na pagpreno ng kotse. "Hubby, nagdadrive ka ba? Umuwi ka na ngayon din! Manganganak na 'ko!"

"Shit! W-wait for me Honey, m-malapit na 'ko!" pagkatapos nun ay naputol na ang tawag.

Ilang saglit lang ay taranta na siyang tumatakbo palapit sa akin, hinagis niya nalang sa kung saan ang plastic ng groceries na hawak-hawak niya.

"Aaaaraaaay!" namimilipit na 'ko sa sakit.

Agad naman niya 'kong binuhat, "Ang bigat mo, Honey."

Tinignan ko naman siya nang matalim, "Leche ka ha, nagagawa mo pang manlait!"

"Hehe, joke lang! K-kinakabahan na kasi ako eh!"

Obvious nga sa panginginig ng boses mo.

"AAAAAAAAH!!—ARAY KO!!!" kasalukuyan na 'kong nasa wheelchair at patakbong tinutulak ng isang nurse at ni Hubby.

"WHOOOOO!!!" sabay pa naming sigaw ng nakasalubong naming babae na tila manganganak rin.

Hindi ko maiwasang mapalingon sa kanya. At ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makilala kung sino ito.

"He—helen?"

Ngunit hindi na niya 'ko nakita dahil mabilis na kaming ipinasok sa magkabilang labor room.

"Congratulations, it's a boy!" palakpakan ang mga nurse sa balitang iyon ng doktor.

Ang Hubby ko naman nakatulala lang habang nakatingin sa aming mag-ina. Tila hindi pa malaman kung lalapitan ba kami o iiyak nalang muna sa isang gilid. The emotional daddy, haha!

~~~

"SURPRISE!" sabay pa kaming napalingon ni Dom sa mga bisitang dumating.

"Kuya Drew! Kuya Denver! Nay!" excited na tumayo ang asawa ko at niyakap silang tatlo.

Inilapag nila ang mga dala-dala nilang prutas sa may mesa sa tabi ng pintuan.

"Congrats bro, tatay ka na!" sabi ni Kuya Denver sabay gulo ng buhok ni Dom.

"Kelan pa kayo dumating? Diba nasa Australia pa kayo?" tanong ni Dom sa kanila.

"Itong si Nanay, excited na nagpa-book agad ng flight nung tinext mo na nanganak na 'tong hipag namin," paliwanag ni Kuya Denver.

"Langya ka Dom!" si Kuya Drew sabay pabirong hampas sa dibdib ni Hubby. "Inunahan mo pa kami!"

"Syempre naman, 'di na 'ko papayag na mahiwalay pa sakin 'tong asawa ko noh," tugon ni Dom sabay hawak ng kamay ko. "Lalo na't isa na talaga kaming pamilya."

Napangiti ang nanay niya, "Anak maaari ko na bang makita ang apo ko?"

"Ah oh sige po 'Nay. Nandun po siya sa children's section."

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now