47 - stay

10.4K 168 19
                                    


dedicated kay @wenshy. thanks for reading MMB =)

~~

Chapter 47 – Stay

Makalipas ang ilang taon...


"Helen, pakilagay nalang 'to sa table ko."

"Yes ma'am Andrea."

"Bench, I need the reports at exactly 7 o'clock, ok?"

"Okay po ma'am."

"Marvin, pakiayos nalang yung interior design nitong office. Kelangan maayos yan sa event the day after tomorrow ha."

"Copy Madam, kering-keri 'to!" sabay kindat nang malandi ng baklang employee ko.

As usual ay napatawa na naman kami ng baklang 'to. Kasi naman kahit super busy at natataranta na ang lahat, siya relax na relax pa rin at nagagawa pang magpatawa. Naalala ko tuloy sa kanya si Do—"No, hindi pwede." I shook my head.

"Madam? Hindi po pwede?"

"Ha?" nagulat ako nang makitang nasa harapan ko na si Marvin. "Ano ba sabi mo?"

"I just asked you madam kung pwedeng fuschia fink ang color ng curtains natin, you know para chuchal hehe!"

"Ano ka ba naman bakla, dinadamay mo pa sa kabadingan mo yang design ng office. Mga lalaki kaya mostly yung visitors natin sa event."si Helen na sekretarya ko na ang sumagot kay Marvin.

"Eh bakit ba? Pwede rin kaya ang finklalu sa mga boys, diba Bench?"

But Bench just shrugs his shoulders. Indeed, a man of no word.

"Hmp! Suplado talaga 'to, pasalamat ka gwapo ka. Ay nako hindi nyo ba alam na ang tunay na lalaki, gusto ang kulay fink?"

"Paano mo naman nasabi yan eh hindi ka naman tunay na lalaki," pambabara na naman ni Helen.

"Syempre sa mga boyfriends ko, gaga! Ayan si Bench oh, tanungin nyo."

"Hep hep! Tama na nga yang pagtatalo nyo." natatawa-tawang pag-awat ko sa kanila.

Ang saya lang talaga nilang kasama, walang oras na hindi sasakit ang tiyan mo sa kakatawa. Parang pamilya na nga ang turing namin sa isa't isa. Hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanila bilang mga tauhan ko. I can say that we're a perfect team for this business. At saka, ang laking tulong rin nila sa muli kong pagbangon sa malaking trahedyang nagdaan sa buhay ko.

"Ano guys, pagpag tayo?"

"Surelalu ka ba d'yan madam?!" tila nag-twinkle twinkle pa ang mga mata ni Marvin sa sinabi ko.

Pagpag kasi which means, bar hopping. Eto na yung usual way namin na pampatanggal stress, lalo na kung sobrang napagod kaming lahat sa office.

"Eh ma'am diba kelangan pa nating tapusin 'tong mga 'to?" muli ay awat ni Helen.

"It's ok, nakakalahati na naman tayo. And rest day naman natin bukas. Pwede nyo nang itake home yang mga yan. Yung kay Bench lang talaga ang pinaka-kailangang matapos this day kasi yun yung rereviewhin ng prospective buyer natin."

"Ay naku madam, ako'y naiintrigs talaga d'yan sa buyer ng company natin ha. Gwaping kaya yun? Kasi alam mo na, imported... malamang mestizo diba?" buong kalandiang pahayag na naman ni Marvin.

"Oy bakla, babae ang buyer natin gaga!" sagot naman ni Helen.

"Ay ganun?" biglang nagbago ang timpla ng mukha nya. Tila hindi naging kumbinsido. "Ay naku madam baka scammer lang yan ha, ingat-ingat tayo baka japeyk ang ibigay niyang payment saten?"

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now