56 - Team Building

10.3K 178 18
                                    

Dedicated to @handsome_bluegirl.

56 – Team Building

ANDREA'S POV

"Step 1, masolo mo siya. Check! Step 2, makatabi mo siya. Check! Step 3, make him jelly-jelly..." napatigil bigla si Marvin at napatingin sa akin. "Ah eh, Madam nagawa mo na ba ang step 3?"

"Yes, diba pinagselos na namin siya ni Tom?" sagot ko sa kanya.

"Ah, sure yan ha? Nagselos naman siya?"

"Yes, sure na sure!" tugon kong muli.

"Okidokie, checkered na rin pala ang step 3. Step 4 na tayo, ano?"

"Oo, alangan namang step 5 ang kasunod ng step 3, mag-isip isip ka nga Marvin!" singit ni Helen.

"Tss, imbyernang 'to! Ikaw ba si Madam para makisingit ka dito, ha?!"

Hay, nagbangayan na naman po sila.

"Oy tama na 'yan, 'di naman makakatulong 'yang pag-aaway niyo sa problema ni Ma'am Andrea ngayon," as usual ay si Bench na naman ang referee nila.

"Guys, pinapatawag na tayong lahat ni Mamu!"

Napatingin kaming lahat sa nagsalita.

"Sharina!" si Bench na biglang tumayo sa upuan at ngiting-ngiting lumapit kay Sharina. "Kamusta?"

Ngunit hindi naman siya pinansin ng dalaga at dire-diretsong lumapit sa akin. "Andrea, sana ka-team kita mamaya."

"Ha? Bakit? Ano bang meron?" tanong ko sa kanya.

She smiles widely, "Basta, tara na! Hinihintay na tayo ni Mamu eh."

Sumunod naman kaming lahat sa kanya. Kahit pa nagtataka talaga kami sa ikinikilos nitong si Bench sa tuwing nakikita si Sharina.

"Oy, Fafa Bench don't tell me crush mo 'yang Sharina na 'yan?! Aba, wala ka namang ka-taste taste, di hamak na mas sexy at mas maganda ako sa kanya noh!" nagmamaktol na sabi ni Marvin kay Bench nang lapitan niya ito.

Ngunit nginitian lang siya nito at wala 'ni anumang sinabi. Kami naman ni Helen ay nagkatinginan nalang at nagkibit-balikat.

"Ok guys since all of you are now here, I'm going to announce that this day will be the start of our first day of our O-games, which stands for Office-games." sabi ni Mamu sa aming lahat na magkaka-opisina.

So, ngayon na pala ang start ng mga games. Mabuti naman kung ganun, second day na kasi namin dito sa bundok at siguro'y bukas makalawa nalang ay makakauwi na kami.

"Before I announce our first game, I will group you all into 5 groups which will be compose of 7 members each." patuloy pa ni Mamu.

Isa-isa nang tinawag ang mga miyembro sa bawat grupo. Una munang tinatawag ang magiging leader, kasunod ang anim na members nito.

"Ang the fourth group's leader is my very own grandson, Dom Machonimo." after iannouce ni Mamu ang pangalan ni Dom ay rinig na rinig ang pagdarasal ng halos lahat ng kababaihan at kabekihan na hindi pa natatawag na sana'y sila ang mapiling members ni Dom.

"Dom's first member is," tumingin pa si Mamu sa aming lahat na hindi pa natatawag. "Marvin!"

"YESSS!" ang loka-lokang bakla, nagtutumalon pa sa saya na team mate niya ang Hubby ko, haay first time kong maiingit kay Marvin.

"Next is Helen." napatingin kaming lahat kay Helen, and as usual ay wala siyang reaksyon at lumapit lang sa pwesto nila Dom at Marvin.

Nakita ko namang napasimangot si Marvin, marahil ay tutol na naging kagrupo niya ang dakilang tagakontra niya na si Helen.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now