38 - cold coffee

11.7K 175 10
  • Dedicated to Virgen Milagrosa University Foundation Students
                                    

A/N: Dedicated to all Fifth Year Dentistry Students of Virgen Milagrosa University Foundation in Pangasinan, especially sa 'napintas kong mga ading'... Inna, Janet, Micah, Rachel, Jerema and Jackie. Salamat sa inyo. God bless! :*xx

Chapter 38 – Cold coffee

DOM'S POV

"Hubby napapansin ko, ilang araw ka na 'atang tulala?"


"Hubby! Uy Hubby!" namalayan ko nalang ang pagwasiwas ng mga palad ni Andrea sa tapat ng mukha ko.

"Ha? Ah ehh sorry. Ano ulit sabi mo Honey?"

She pouted. Obviously, nagtatampo na naman. Haay, naging madalas na ang pagiging moody niya ngayong buntis sya.

"Tss, nakakaasar ka na ha! Hindi mo na nga ako pinapansin for several days tapos pati mga sinasabi ko 'di mo pa iniintindi. You're torturing me!"

Napilitan akong tumayo sa upuan sa gilid nya at saka tumabi sa kanya. Then I hug her.

"Sorry na Honey, medyo masama lang kasi ang pakiramdam ko eh. Saka siguro dahil rin sa puyat 'to." pagdadahilan ko.

Suddenly, her face softened.

"Ganun ba? Bakit 'di mo naman agad sinabi?" sinalat nya yung noo ko. "Naku, medyo mainit ka nga Hubby!"

Then, may kung ano siyang kinuha sa side table, "Ito Hubby, inumin mo 'to para 'di na lumala 'yang sinat mo."

I just nodded at saka inabot yung paracetamol na binigay nya. Sinunod ko naman sya at ininom yun. I look at her and smile, "Thanks Honey."

"Saka dito ka nalang matulog sa tabi ko para 'di na sumakit yung likod mo sa sofa. Baka kaya ka napupuyat dahil dun."

"Ah, hindi Honey. Okay lang ako. Ikaw nalang matulog dito."

"Sige na Hubby, gusto rin kasi kitang makatabi sa pagtulog eh."

I looked at her as if accusing her of something, "Sus, kaya naman pala eh."

"O-oy mali ka ng iniisip ha! Huwag kang malisyoso, alalahanin mo buntis na ko! Kainis ka kamo!"

"Oh? Bat defensive ka d'yan? Haha?" natatawa kong turan sa asawa ko na ngayon ay namumula na.

"Hindi ah, tss! Sige kung gusto mo dun matulog, dun ka na lang!" sigaw nya sabay talukbong ng kumot.

Ayan na naman, nag-tantrums na naman ang Honey ko. Pero okay lang yun, sabi ko nga sa kanya dati... 'I will always understand her, lalo na ngayon na alam ko namang may mahalagang dahilan ang pagta-tantrums nya.'

Kaya ang ginawa ko, humiga nalang din ako sa tabi niya. Naramdaman kong dahan-dahan niyang binababa yung kumot nya.

"Oh? Akala ko ba ayaw mong matulog dito?!"

Sa totoo lang ay natatawa nalang ako sa pagiging childish ng prinsesa ko. Kaya naman niyakap ko nalang sya at bumulong, "Wala naman akong sinabi Honey ah.... saka sino ba namang ayaw tumabi sa pinakamaganda, pinaka-sexy at mala-diyosa kong asawa?"

"Hmp! Nambola ka pa!"

"At kelan pa ko natutong mambola, ha?"

"Dominador, tigilan mo ko ha! Tigilan mo—hihihi! Ano ba Hubby? Hihihi! Hubby tama na, nakikiliti ako!" sigaw niya nang bigla ko siyang sundot-sundutin sa tagiliran.

Alam ko kasing dun sya pinaka-may-kiliti.

"Hubby! Tama, hini—hihihi! Hinihingal na ko! Hahahaha!"

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now