44.2

9.9K 164 24
                                    

Two updates ngayon, sana po binabasa nyo pa. Matatapos na rin kasi 'to eh. xD

Chapter 44.2

"Hanggang dito ba naman Dominador?! Kelan mo ba ko tatantanan, ha?!"

"Andrea, please let me explain. Pagbigyan mo naman akong makausap ka kahit saglit lang," may pagmamakaawa sa tono ng boses niya.

"Anak naman talaga ng! Ilang ulit ka bang inire ng nanay mo at sobrang kulit ng apog mo?!"

"Sssh! Ingay naman oh!" saway ng isang matanda. "Kung pwede dun nalang kayo mag-away na magkasintahan?"

"He's not my boyfriend!"/ "Asawa ko po siya!" sabay pa naming depensa ni Dom.

"Oh, e'di dun na nga lang kayo mag-away sa labas. Kasi alam nyo nakakaabala kayo sa panunuod namin dito eh."

"Ah pasensya na po kayo Ale," si Tristan na humingi ng pasensya. "Tara na Andeng, labas na muna tayo."

Hinila ako ni Tristan palabas ng sinehan.

"Andrea!" rinig ko pang habol ng bwisit na si Dom.

Ngunit hindi nalang namin siya pinansin at nagdire-diretso na ng lakad. Nang mapatapat kami sa may restroom sa loob pa rin ng sinehan ay pinatigil ko si Tristan. Tumingin ako sa kanya.

"Magbanlaw ka na muna sa loob, antayin nalang kita dito," sabi ko dahil mukhang nanlalagkit na siya sa coke na tinapon ng childish na si Dom.

"No need, umuwi nalang tayo," seryoso niyang tugon.

"Andrea!" napakuyom ako ng kamao nang muli na namang marinig ang boses ng magaling ko ex-husband! Paparating na siya sa kinaroroonan namin.

"Bakit ba ayaw mo akong tantanan ha, Dom?" inis kong turan sa kanya nang tuluyan na siyang makalapit sa amin. "Pati si Itan dinadamay mo sa kalokohan mo!"

"Andrea please naman mag-usap tayo," akmang lalapitan nya pa ko. Mabuti nalang at hinarangan na siya ni Tristan.

"Pare tigilan mo na si Andeng."

"Wala kang pakialam pare, asawa ko yang binabakuran mo!" sagot pa ni Dom.

"Pare ayoko gumawa ng eskandalo dito, kapag hindi ka pa rin tumigil papatawag na ko ng securities."

"Huwag mo kong takutin, pare. Hindi ikaw ang kailangan ko."

"Dom! Tumigil ka na nga!"

Gulat siyang napatingin saken. Mabuti nalang at walang tao sa paligid namin.

"Ganyan ka na ba talaga katigas Andrea?" maluha-luhang tanong niya. "Ni hindi mo man lang akong hayaang magpaliwanag sayo. Wala ka ba talagang tiwala sa akin at iniisip mo talaga na ginawa ko 'yun?"

"Dati malaki ang tiwala ko sayo, pero ngayon wala na... sirang-sira na ang tiwala ko sayo," matigas kong tugon. "Wala ka nang mapapala saken, kaya pwede ba tigilan mo na ko."

Then I held Tristan's hand. "Tara na Itan, umuwi na tayo."

After that ay walang sabi-sabi naming tinalikuran si Dom.

~~

"So gusto mo na ba talagang umuwi?" tanong ni Itan sa akin nang makalabas kami sa isang fine dining restaurant na pinasukan namin. Doon na siya sa restroom ng resto nagpalit ng damit at nagbanlaw ng buhok. Mabuti nalang at may extra shirt siyang baon sa kotse niya. Kumain na rin kami dahil ginutom ako sa pakikipagtalo sa Dominador na 'yun.

"Hey, huwag mo sabihing nagpapaapekto ka pa sa  kanya? I thought you've already moved on?"

"Oo no, naka-moved on na ko," depensa ko.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Onde histórias criam vida. Descubra agora