27.2

15.5K 266 22
                                    

A/N: As I promised, two updates ngayon. ^^)


Chapter 27.2

DOM'S POV


"Hello kuya!" kunot-noo akong napatigil dahil sa sumigaw. Then tumingin sa likod ko. "Hindi kuya, ikaw yung tinatawag ko."

Tinuro ko yung sarili ko and mouthed, "Ako?"

Tumango sya nang nakangiti, "Yes, ikaw nga! Pwede bang humingi ng konting favor?"

"Ano yun?"

"Ashley!" biglang-sulpot ng isang babaeng tila hinihingal pa mula sa pagtakbo.

"Mitzi! Good news, ito si kuya mukhang matutulungan nya tayo," napatingin yung Mitzi kay Andrea na nakasunod na pala saken.

Napansin kong pasimpleng siniko nung Mitzi yung Ashley at saka bumulong, "Wag na, nakakahiya naman sa girlfriend nya."

Naisip ko yung ginawang pagtanggi ni Andrea saken kanina. So ginaya ko yung way ng pag-wave ng hands nya, "Nope!" then pinat ko yung ulo ni Andrea, "Kapatid ko. Kapatid!"

She glared at me. Natatawa ako deep-inside. Kitang-kita ko naman ang pagliwanag ng mga mukha nung dalawang babae.

"Talaga?" sabay pa nilang tanong.

"Yup, so ano ba yung favor nyo?"

"Uhm, pwede mo ba kaming tulungan sa pagtatayo ng tent namin?" wew, bat nawala yung paggalang nila? Kanina lang tinatawag pa nila akong kuya ah?

"Ah sige. Sure!" ngumiti rin ako nang pagkatamis-tamis tulad ng ginawa ni Andrea dun sa ungas na Miguel na yun.

"Salamat kuya!" sabi nung Ashley sabay kapit sa braso ko. "Ano nga palang pangalan mo?"

"Dominador!" singit ni Andrea.

"Ah, just call me Dom."

"So cute naman ng name mo!" yung Mitzi sabay kapit din sa kabilang braso ko.

Nagpahatak nalang ako sa dalawa patungo sa tent nila. Tumulong ako sa pagtatayo ng tent, though naiirita ako dahil masyadong madikit 'tong dalawang dalagitang 'to.

'Psh! kababata pa ang haharot na!'

"Oy KUYA Dom, hindi pa ba kayo tapos d'yan? Gutom na ko eh!" si Andrea na obvious na inip na inip na.

"Ah, gusto mo Dom dito nalang kayo kumain samen?"

"Hindi na, dahil tuturuan ako ng Kuya kong magluto ngayon," inagaw ni Andrea ang braso ko na hawak-hawak ni Ashley. "Sige, mauna na kami. Bye!"

At hinatak na rin ako sa wakas ng asawa ko.

"Bye Dom, thanks!" pahabol pa nung dalawa.


****

"Hehehe, uy selos..."sabi ko sa kay Andrea nang medyo nakalayo na kami sa dalawang dalaga.

She then gave me her usual death glare.

"Ako Dom tigil-tigilan mo, gutom ako ha!" she said at nagpauna na sa paglalakad.

"Ay, walk-out? Uy Honey wait!" pero parang wala siyang naririnig at tuloy-tuloy lang sa mabilis na paglakad.

Hinayaan ko nalang sya dahil magkikita't magkikita rin naman kami sa tent.


"Hay, salamat nakarating din!" inistretch-out ko yung mga binti ko dahil nangalay sa paglalakad. Then naalala ko si Andrea. "Asan na kaya yun?"

Marry Me, Beki! #Wattys2017Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz