4- Atlantis Resort

22.1K 432 29
                                    

Chapter Four - Atlantis Resort

Dom's Point of View

"Ayiee, ang honey ko kunwari pang beki, lalaki naman pala..."

Aish! Nakakapikon na talaga 'tong babaitang 'to! Masyadong assumera! Sinabi na nga'ng hindi totoo yung sinabi ko kay lola kanina, masyadong dinidibdib wala namang dibdib!

"Imbyernaaa!"

"Uuuy, ngayon ko napatunayan na totoo pala yung sinasabi nilang, the more you hate the more you love," patuloy pa rin siya sa pang-aasar habang parang tuko kung makadikit sa akin.

"PWEDE BA, ISAKSAK MO D'YAN SA KUKOTE MO KUNG MERON MAN, NA HINDING-HINDI AKO MAIINLOVE SA ISANG BABAE!" sigaw ko na sa kanya.

"Eh bakit mo sinabi kay Lola na nasa akin na ang puso mo?" pang-isandaang beses na 'ata niyang tinanong 'yan.

"Naman eh!" napapadyak nalang ako sa kakulitan ng bruha.

Paano kanina ko pa nga sinasabi sa kanya diba? Di pa rin magets! Tanga-tangahan lang kami dito?! Ggrrr!

"Sinabi ko lang yun para tumigil na silang dalawang nag-aala-pbb teens kanina. Tignan mo nung sinabi ko yun, edi gumora na sila wala nang echos-echos pa! Kaya ikaw, wag kang assumera dyan, feeling mo naman ang ganda-ganda mo. Eh mas maganda pa nga ko sayo. Hmp!"

"Blah!Blah!Blah!" tinakpan niya pa talaga ang dalawang tenga niya. "Kahit na anong sabihin mo, hindi na ko maniniwala. Basta para saken lalaki ka! Halikan kita dyan eh!"

"Eeeeew! Ano ba?!" agad akong lumayo nang tumalon sya sa harap ko.

Mahirap na noh, baka manakaw nya pa ang nirereserve kong precious lips!

"Nga pala, magbihis ka," maya-maya'y nagseryoso siya.

"Nakabihis na ko, gaga!" sagot ko naman.

"Ay shunga... what I mean is yung casual suit."

"Para saan na naman?" mukhang kinakabahan na naman ako sa iniisip niya ha.

"Pupunta tayo kay Papa."

"Oh? Anong gagawin dun?" walang-gana kong sabi.

"Makikitae! Tss."

"Takteng 'to, makikitae ka lang pagsusuutin mo pa ko ng casual suit!"

"Diyos ko po!" napa-face palm sya. "Ano ba 'tong binigay niyong asawa ko? Bakit kagwapuhan at kakisigan lang ang taglay?!"

"Hoy bruha, ibig mo bang sabihin bopols ako?!" pinamaywangan ko siya.

"Hindi naman sa ganun..." ayan na naman po ang famous line niya.

"Pero parang ganun na nga?!" ako na ang nagdugtong, nahiya naman ako sa kanya.

"May tama ka!" at kumendeng-kendeng pa ang babaita.

"Tss, korni mo. Ano bang gagawin natin kina Pudrabels mo? Alam mo namang allergic ako dun. Kung ano-ano kasi ang pinapasuot saken, jologs naman!"

"Hoy wag mo nga'ng laitin ang Papa ko! Magbihis ka na lang," pinagtanggol niya pa, buti ba kung hindi kalait-lait ang Papa niya.

Maya-maya pa'y napatigil sya at makahulugang tumingin saken.

"...O baka naman gusto mong ako pa ang magpalit ng damit mo?" then she flashed a devilish smile.

Kinilabutan ako. Yung parang nararamdaman ng mga bida sa horror films, at si Andrea yung multong pangit na pumapatay.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now