12 - bukol

18.2K 300 15
                                    

12 – bukol

ANDREA'S POV

"Pa, bakit po pala kayo naparito?" tanong ko kay Papa habang kasalukyan kaming kumakain ng lunch sa dining area kasama si Dom.

Mabuti nalang talaga at naisipan kong mamili sa grocery ng mga pagkain...kung nagkataon ay wala kaming ipapakain kay Papa. Tiyak sermon na naman ang aabutin ko. May tatlong araw pa rin kasing natitira para samen dito sa Atlantis Resort.

"First, I'm just checking kung binubuo nyo na ba talaga ang apo ko. Second, gusto ko ring makatikim ng sariwang hangin dito sa resort, and last... isasabay ko na kayo the day after tomorrow pabalik ng Manila." sagot ni Papa.

"Ehh? Bakit po Papa? May problema po ba sa company?" alala kong tanong.

"Wala naman, excited lang akong maturuan 'tong manugang ko sa paghahandle ng kompanya naten."

"Ehem!"*"Ehem!" sabay pa kaming nasamid ni Dom sa sinabi ni Papa.

"Ano pong ibig niyong sabihin dun Papa?" tanong ko.

"Of course naman anak, bilang asawa mo.. si Dom na ang maghahandle ng mga trabaho mo sa company natin. Dahil ikaw, ang gagawin mo nalang ay ang magpahinga upang hindi magkaroon ng komplikasyon ang apo ko."

"Pero Papa—"

"Oh, wag niyo sabihing wala pa rin kayong nabubuo? Sa tinagal-tagal niyo dito, aba, baka isipin ko nang baog 'tong manugang ko."

"OY—"

Pinandilatan ko agad ng mata si Dom. Mukhang lalabas na naman kasi ang kabaklaan sa pagrereact nya. Buti nalang at nanahimik na lamang ulit sya at nagpatuloy sa pagkain.

Pero bago yun ay kitang-kita ko pa ang pailalim na pag-irap nya kay Papa. Mabuti nalang busy si papa nun sa pagsubo ng pagkain.

"Oh ano? Tama ba ang hinala ko? Eh kung ganun lang din... mabuti pang hiwalayan mo na 'tong si Dom at nang si Chuck nalang ang makatuluyan mo." tuluy-tuloy na sabi ni Papa.

Nakita kong nagliwanag ang mukha ng bakla, "Opo, Papa baog—"

"Hindi po, Papa!" pagpigil ko sa binabalak na sabihin ng baklang asawa ko. "Mayaman po sa sperms yang asawa ko. Sa totoo lang Papa, medyo may nararamdaman na nga akong morning sickness eh."

"Morning sickness?!" kunot-noo with matching taas-kilay pang tanong ni Dom.

Pinandilatan ko ulit sya. Mahirap na noh, baka sa kakaganun nya eh maamoy pa ni papa ang masangsang at berdeng dugo nya.

"Talaga, anak?"  masayang tugon ni Papa. "Naku, pasensya ka na Dom ha.. akala ko kasi eh..."

"Huwag kayo mag-alala d'yan papa. Hindi naman sensitive yang asawa ko, diba honey?" tumingin ako nang makahulugan kay Dom.

Pilit siyang ngumiti... "Ah opo Papa. Para kay Andrea, lahat titiisin ko."

Nagulat naman ako nang bigla niya 'kong akbayan at hilahin palapit sa kanya. Magkatabi lang kasi ang mga upuan namin. Then bigla niyang inilapit ang mukha nya sa may mukha ko. Napapikit tuloy ako sa pag-aakalang hahalikan nya ko.

"Imbyerna ka, may pa-morning-morning sickness ka pang nalalaman dyan. Eh wala pa ngang tyanak d'yan sa tiyan mo." he whispered.

Gumanti naman ako ng bulong sa kanya, "Don't 'ya worry, ako ng bahala dun. May naisip na kong paraan, ginagamit ko kasi ang utak ko."

"Hmp."

"Ouch." >.<

tae tong bading na 'to, pasimple pa kong kinurot sa tagiliran. ggrr!

"Hahaha! Nakakatuwa naman kayong mag-asawa, napaka-sweet niyo. Naalala ko na naman tuloy ang Mama mo, Andrea." maluha-luhang sabi ni Papa.

Tss, kung alam mo lang Papa...

DOM'S POV

Psh, napakadrama naman nitong matandang 'to. Parang gusto pang ipalathala sa MMK ang buhay nya. >___<

Isa pa 'tong ambisyosang asawa ko! May pa-morning-morning sickness pang nalalaman eh ni hindi pa nga nakakapasok ang virgin hotdog ko sa kanyang kepay! At wala naman akong balak gawin yun noh! Para nyo na rin sinabing mag-suicide na ko!

Tss, at ano naman kayang paraan ang gagawin ng bruhildang 'to? Hmp! Siguraduhin nya lang na hindi nakakasuka yun ah, kundi liligitan ko talaga sya ng leeg!

"Ah, Dom.." naantala ang antagonist monologue ko nang tawagin ako ni Tanda.

"Bakit po, Papa?" oo na, sige na... alam kong lulutang na talaga ako sa ilog kapag tinapon ako... dahil sa KAPLASTIKAN ko. -______-

Tss, eh anong magagawa ko? Eto naman talaga ang role ko dito? Alangan namang magpaka-action star na bakla ako ditey, ang halay naman dabaa?!

"Uhm, can I ask a favour?"

Pota, pang-ilang favour na ba yang hiningi mo? Lahat puro pasakit sa damdamin ko!

"Yes, Papa. Ano po ba yun?"

Napapakamot pa siya sa batok, "Nakakahiya naman. Uhm..."

Lecheng 'to, pasuspense pa! Ayaw nalang sabihin kung may sasabihin!

"Ano po yun, Papa?"

"Ah eh... pwede bang makahiram ng trunks mo?"

"Ehem!" tae, nasamid ako dun ah -________-

Pati pala trunks, hinihiram na ngayon.

Tss, wala po akong trunks. Swimsuit marame!

"Ah, bibilhan nalang kita ng trunks Papa. Wala kasing nadalang trunks yan si Dom eh." pagsalba saken ni Andrea. Minsan din naman may nagagawang matino 'tong babaeng 'to eh.

"Ay ganun ba? Pareho pala kami ng manugang ko. Sa sobrang excitement makapunta dito, pati trunks nalimutan. Hahaha!"

Gagu, anong nalimutan dahil sa excitement? Ni hindi ko nga pinangarap magbakasyon dito kasama 'yang jonget mong anak noh! Saka excuse me, TRUNKS? Para sa magandang DIYOSANG katulad ko?

NEVAAH!!!

Maya-maya pa'y nagpaalam na si Andrea para ibili ng trunks ang tatay niyang hukluban. Pero bago siya umalis ay may pahabol pa si Tanda.

"Anak, wait lang!"

"Bakit po 'Pa?" tanong ni Andrea.

"Para saken lang ba ang bibilhin mo?" malamang, alangan namang pati sarili niya bilhan niya! Utak biya din 'tong matandang 'to eh.

"Yes papa, why?" sagot ni Andeng.

"Bakit hindi mo rin ibili ang asawa mo?"

HUWAAAAAT?!! O_______________O

"Ah naku, hindi na po Papa, ok lang po ako!" conservative ako noh!

Ayoko ma-rape niyang manyak mong anak!

"Sige na, wag ka na mahiya.. malayo naman ako sa inyo ni Andeng kapag nagswimming na tayo sa dagat."

Eww, mas lalong ayoko ng ideyang yan! >.<

"Sige po Papa, ibibili ko na rin ang honey ko." ngiting-ngiting sabat ng bruha.

"Pero teka—"

"Huwag ka na mag-alala honey, sabi nga ni Papa, malayo naman sya sa'ten... kaya ako lang makakakita nang long hours d'yan sa bukol mo." she winked before she finally turns her back.

Ow.Em.Dyi. O__O

NOOOOOOOOOOOOO!!! T____T

~~

a/n: maiksi lang yan, don't worry. gogorabels ako next week. bakasyon grande naaaa!!! :'DDD

Marry Me, Beki! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon