50 - Mamu

10K 167 14
                                    

Dedicated sa kanya na nag-pm saken. thanks for supporting MMB! Godbless! =)

Chapter 50 – Mamu

ANDREA'S Point of View

"Helen, pakiayos na lahat ng data at written documents na kakailanganin."

"Yes Ma'am."

"Bench, ready na ba yung sales forecasts na ipapakita natin sa kanila?"

"Yes Ma'am, naayos ko na kanina."

"Okay, thank you."

"Marvin!" I looked at the entire office. "Where's Marvin guys?"

"Sabi nya po lalabas lang daw muna siya para magyosi eh," si Bench na ang sumagot.

"I'm sure, kinakabahan na naman yun Ma'am Andrea. Alam mo naman yung baklang yun, kapag nape-pressured yosi lang ang takbuhan," sabad ni Helen.

"Yeah I know that. At alam kong lahat tayo natetense, uhm Bench pasuyo nalang.. pakitawag si Marvin. We need him here right now."

"Okay Ma'am."

~~

8:45am

"Oh ready na bang lahat? Relax lang kayo guys ha, walang kakabahan."

"Ehh, Madam sure ba kayong kami ang dapat sabihan ng ganyan?" si Marvin na umasim na ang mukha. "Kasi naman Madam, obvious na obvious ang pinapakita niyong nerbyos, eh kanina pa kami nahihilo kakatingin namin sayo na kanina pa paroo't parito."

"Oo nga naman Ma'am Andrea, just relax yourself. I'm sure, magugustuhan ng buyers yung offer nating compensations para sa kanila. At saka marami-rami pa ang assets ng kumpanya para hindi nila tanggapin." pagsuporta ni Helen.

"Approve kaya talaga sa kanilang maki-joint partner sa atin? Hindi kaya nila iisiping mag-aaksaya lang sila ng investment sa pagbili ng 50% share ng company?"

"Absolutely not Ma'am, kung ako sa mga yun hinding-hindi ako magdadalawang-isip na makipag-share sa company na ito lalo na't alam kong may potential talaga ang may-ari." dagdag pa ni Bench.

"Salamat Bench. Ok guys," nakahinga ako nang maluwag. "Salamat talaga sa inyo ha, kung hindi dahil sa inyo hindi ko makakaya ang lahat nang 'to."

"Opkors madam! We're team right? We will never leave each other. Fighting lang tayo forevs and evaah, aja!"

"AJA!" sabay-sabay pa naming sigaw.

***

9:05am

"Lampas five minutes na guys, dadating pa kaya sila?" muli ay kinabahan at nag-alinlangan na naman ako.

"Don't worry Madam, baka na-traffic lang." si Marvin.

"Ma'am!" sabay-sabay pa kaming napalingon kay Helen na nang sandaling iyon ay hawak-hawak ang phone nya. "Parating na daw po sila!"

"Yes!" sabay na sigaw muli nina Marvin at Bench.

~~

Sa lobby na namin sinalubong ang pinakahihintay naming prospective partners. Lahat kami walang kurap-matang nakatitig lang sa sasakyan na kasalukuyan nang iginagarahe sa parking lot. Naunang bumaba ang isang tila personal assistant at saka binuksan ang pintuan ng back seat.

Hinawakan ko ang kamay ni Helen, at habang pigil ang hininga ay inantabayanan ko talaga ang pagbaba ng nakasakay doon.

Dalawang tao ang bumaba ng kotse.—Isang matandang babae at lalaki na tila pamilyar sa akin at animo nakita ko na sa kung saan. Nakangiti silang kumaway sa amin, hinawakan muna nung matandang lalaki sa kamay yung babae bago naglakad nang papunta sa direksyon namin.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now