FINAL PART

11.8K 200 9
                                    

Dedicated to Yllissayu. Matagal niya nang nirequest na sa kanya 'ko idedicate ang final part ng MMB. Hi, Girl! Miss na kita hehe, wala nang natawag sakin ng Ateng Dakila. XD

By the way, hope you like this final part. Don't worry, may epilogue pa. xoxo

FINAL PART

DOM'S Point of View

Nagising ako nang may ngiti sa mga labi. It was such a very special night, indeed. I was so happy to be back in her arms again.

"I love you Honey," I said as I open my eyes.

Ngunit napawi ang mga ngiti ko nang mapagtantong hindi na pala si Andrea ang niyayakap ko.

"Unan?" sambit ko nang iangat ko ito.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka, "Asan na 'yun?"

Agad akong tumayo at nagbihis.

"Umaga na rin pala," sambit ko sa sarili pagkalabas ko ng tent.

Iginala ko ang aking paningin, ngunit wala pa rin ang aking hinahanap.

"Mamu, where's Andrea?" tanong ko sa lola ko dahil tanging siya nalang ang mapagtatanungan ko. Napansin ko kasing wala rin ang mga kaibigan niya.

"Umalis na Apo, kanina pa."

"PO?!" gulat kong tanong.

 "Hindi ba nagpaalam sayo? Kailangan niya daw kasing umalis ng bansa agad-agad because of an important matter," mahinahon pang tugon ni Mamu.

Is she even serious?! IBANG BANSA?!

"Shit! Bakit 'di niyo naman po ako ginising, Mamu?!"

Nangunot ang noo niya. Alam kong hindi niya pa alam na ok na kami ni Andrea.

"Mamu, I need to go. Kailangan kong pigilan ang pag-alis niya. I won't let her go this time!"

Mabilis na 'kong umalis sa harap ni Mamu at tumakbo papunta sa lugar kung saan nakapark ang kotse ko.

Kulang nalang ay paliparin ko ang sasakyan sa sobrang pagmamadali. Kanina ko pa rin sinusubukang idial ang phone ni Andrea pero cannot be reached na ito.

"Fuck! What does she think she's doing?!"

Matapos nang nangyari kagabi, matapos naming magkaayos... iiwan niya nalang ako basta-basta?! WTH.

"Traffic pa, bwiset!" napahampas nalang ako sa manibela dahil sa maagang traffic na sumalubong sa akin.

Pero hindi ako dapat mawalan ng pag-asa. Kung noon ay ang bilis kong sumuko at hinayaan lang siyang mawala sa akin nang ganun-ganun nalang, well, not this time. Never. I won't ever let go of her again. Hindi na 'ko magpapatalo sa pagiging self-pity ko. This time, I need to do what my heart says, I need to get hold of my happiness. At hindi ko na siya hahayaang iwanan akong mag-isa. Kung kailangang sundan ko siya sa kung saang lupalop ng mundo man siya magpunta, gagawin ko. I need to be beside her, always. I don't want to be back to the days when I was as miserable as hell. I want to be in my safe haven... with Andrea's arms, with my wife. And hell yeah, I want to marry her again, right now!

Agad-agad na 'kong bumaba ng kotse at dire-diretsong tumakbo papasok ng airport. Hinanap ko siya sa kabuuan ng departure area.

Sht! Bakit hindi ko pa natanong kay Mamu kung saang bansa siya pupunta?!

"Andrea! Andrea!" tinginan ang mga tao sa akin.

Pero wala na 'kong pakialam, gusto kong makita ang asawa ko.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now