57 - consequence

9.8K 210 63
                                    

Guys, so sorry sa sobrang late ng update. Super busy na sa school. Palapit na rin ang thesis! My Ghad!

Anyways, sana magustuhan niyo ang update ngayon. Namiss ko kayo! :*

Dedicated to GeaArra.

57 – consequence

TOM'S POV

"Andrea! Andrea where are you?!" nangangamba na talaga ako sa pagkawala ni Andrea. Gabi na kasi at delikado na ngayon dito sa loob ng kagubatan.

At kung kinakabahan ako, paano pa kaya itong kasama ko na kanina pa mukhang hindi mapakali sa paghahanap.

"Honey! Honey, nasaan ka?! Naririnig mo ba ako? Sumigaw ka, Honey where are you?!"

 Sa kabila ng tensyon ay hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa pagtawag ni Dom kay Andrea. Kung maririnig lang siguro siya ni Andeng ngayon, malamang nagtatalon na 'yun sa tuwa.

But the problem is, hindi talaga namin mahanap 'ni anino ni Andrea.

Hanggang sa may marinig kaming tila kaluskos mula sa kung saan.

"Dom ano 'yun?" tanong ko.

"I don't know, pero siguro mabuting sundan natin yung tunog baka sakaling kay Andrea nanggagaling 'yun."

Ganun ang ginawa namin. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa lumakas ang kaluskos na naririnig namin.

"Honey! Honey nandyan ka ba?!" rinig kong sigaw ulit ni Dom.

"DOM!" nagkatinginan kami ni Dom nang marinig ang boses na 'yun ni Andrea.

"Honey, nasaan ka?! Sumigaw ka pa!"

"Dito, Hubby! Andito ako sa ilalim!"

Agad naman kaming tumakbo papunta sa may bangin kung saan nanggaling ang boses ni Andrea. Pareho pa kaming nagulat nang makita siyang nakakapit sa isang sanga ng puno na malapit nang mahulog sa bangin.

"My God, Andrea!" sigaw ko sabay lapit sa kanya.

"No, ako na Tom!" sigaw rin ni Dom sabay hawi sa akin.

Inabot niya ang kamay ni Andrea at saka marahas na hinila ito paakyat.

"Kumapit ka nang maigi Honey, huwag kang bibitaw. Konti nalang..." mas pinag-igihan niya pa ang paghila kay Andrea hanggang sa tuluyan na itong maiangat at mailigtas mula sa panganib.

"Thank God..." naibulong ko nalang nang makitang ok na ang lahat. Lumuwag pa ang pagkakangiti ko nang makita ko kung paano niyakap ni Dom si Andrea.

"Ano bang nangyari sayo? Paano ka napunta dito? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" sunod-sunod na tanong ni Dom kay Andrea nang magkalas sila ng yakap at saka ininspeksyon ang mga braso't binti niya.

"O-okay lang ako. Salamat Hub—I mean, Dom." naiilang pang tugon ni Andeng, marahil ay naguguluhan sa ikinilos ni Dom ngayon.

Hindi ko naman siya masisisi. One second, he's nice and then one second he's back at being cold. Kaya hindi na 'ko magtataka kung maya-maya lang ay balik na naman 'yan si Dom sa pagiging masungit kay Andeng.

Kaya naman bago pa bumalik si Dom sa pagiging monster ay nakaisip na 'ko ng paraan para makontra iyon. Lumapit ako sa kanila, partikular na kay Andrea.

"Andeng ayos ka lang ba? Naku may sugat ka. Mukhang hindi mo kakayaning maglakad, halika bubuhatin na kita." sabi ko nang buong pag-aalala kay Andrea, kitang-kita ko naman ang pagkontra sa mukha ng kaibigan kong si Dom. Haha, I think this is going to be fun.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now