23 -hinde!

15.2K 318 38
                                    

Chapter 23 –Hinde!

Andrea's POV

"Hubby!"

"Oh?!"

"Tumawag si Miss Chiqui, na-upload na daw yung commercial mo. Tara, sabay nating panuorin!" I excitedly held his hand and almost run towards the PC.

"Andrea, aray ko naman! Makahatak sa kamay ko, wagas!"

"Hehe, sorry. Excited lang Hubby."

Then we sit in front of the computer and I turned it on. Nang makarating kami sa site na youtube ay agad kong tinype yung sinabing title ng commercial ng asawa ko.

AC LATEST BIG BIKE V201 ~ D.M.

With wide smile, I looked at my husband. Pero nagtaka ako dahil nakakunot ang noo nya na parang batang may gustong malaman.

Haha! Ang cute nya!

"Andrea?"

"Yes?" masaya kong tugon.

"Ano yung DM?"

SERIOUSLY? Hindi nya alam yun?!

"DM as in Dominador Machonimo!"

He glared at me, "Pwede namang Dom nalang, bat binuo mo pa?!"

Haha, sabi ko na nga ba. Ayaw na ayaw niya talagang natatawag sa buo niyang pangalan.

"Bakit ba? Eh sa gusto ko ng Dominador eh! Lalaking-lalaki ang dating, with full of dignity, machong-macho!"

"Eeew!" sabi ko lalaking-lalaki, with full of dignity at machong-macho. Bakit eew? -____-

"DOMINADOR!" pumikit ako at umakto na parang isang Espiritista. "TINATAWAG KITA NGAYON DIN! SANIBAN MO ANG AKING MAHAL NA BAKLANG ASAWA NANG SA GAYO'Y MAGING TUNAY NA SIYANG LALAKI! DOMINADOR!!!"

Pagkadilat ko, ang asawa ko seryosong seryoso ang mukha at titig na titig saken. Napatitig lang rin ako sa kanya.

Tofu, ang wafu niya lang talaga!  *U*

I smiled, pero ganun pa rin ang reaction nya. Seryosong-seryoso ang mukha. Hindi ko tuloy alam kung napikon ba sya sa biro ko kanina.

"Dom?"

Umiling sya.

"Hindi ako si Dom..." seryoso niyang sabi at saka inangat ang mga kamay nya papunta sa magkabilang pisngi ko.

Napaatras ako, pero hindi nya ko binitawan. Instead ay lalo niya pang inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

"D—dom, stop fooling around."

"I said, I'm not Dom. Ako si..." langhap na langhap ko na ang bango ng hininga nya dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin. Isang galaw lang ng kahit sino samen ay magki-kiss na kami.

Ako na kaya ang mauna? Ayy, wag nalang hayaan ko nalang sya. Haha!

Kaya naman, para ma-feel ko talaga ang moment na 'to ay pumikit nalang ako.

"Why did you shut your eyes Honey? Open it, and see who am I now..." Husky na yung boses nya. Sh*t nakakalasing!

"Dom..." gusto kong sabihin sa kanya na wag na siyang dumaldal at ituloy-ituloy nya nalang ang paghalik saken. Dahil kapag hindi na ko makatiis ay ako na talaga ang susunggab sa kanya.

Pero mahirap na, sayang ang moment. Mas masarap kasi pag siya ang nag-iinitiate ng kiss, hehe.

"You're smiling Honey, but I already told you na hindi ako si Dom. Ako si..." naramdaman ko na tila hindi na sa mga pisngi ko nakahawak ang mga kamay nya kundi nasa bandang buhok ko na. At parang...

Marry Me, Beki! #Wattys2017जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें