60 - revelations

9.6K 166 24
  • इन्हें समर्पित: KrisDemesa
                                    

Dedicated to krisdemesa. Ang loyalty niya sa MMB ay nakakataba ng aking puso. (Huwaw lalim!) Thank you po!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 60 – revelations


SHARINA'S Point of View

"Sharina, mahal kita!" sabi ni Bench at niyakap ako mula sa likuran.

Ilang beses kong tinangkang kumawala sa pagkakayakap niya ngunit sadyang malakas siya. Naramdaman ko ang tuloy-tuloy na luhang bumabagsak mula sa kanya.

"Patawarin mo sana ako kung hindi ko nasabi sayo... yung tungkol sa nakaraan mo, pati na rin 'tong nararamdaman ko."

"Huli na Bench, huli na ang lahat."

Naramdaman ko ang pagtango niya. "Alam ko at hindi na rin ako umaasang masusuklian mo ang nararamdam ko. Matagal ko nang tinanggap na may mahal ka nang iba, at hindi na 'ko magkakapuwang d'yan sa puso mo. Pero Sha, isa lang ang hiling ko..." iginiya niya ko paharap sa kanya. "Sha, sana mapatawad mo ko. Sana mapatawad mo 'ko bago ko man lang lisanin... ang mundong 'to."

"W-what?" I stuttered.

Nagbibiro ba siya?!

Dahil kung oo, hindi siya nakakatuwa!

Ngumiti siya nang mapait, "May sakit ako Sharina. Tumor, stage 4 at walang nakakaalam 'ni isa sa mga kaibigan ko. Ikaw lang ang kaisa-isang pinagsabihan ko ngayon. Napilitan na 'kong sabihin sayo dahil gusto ko talagang mapatawad mo at umalis nang payapa ang kalooban."

"Ano bang pinagsasabi mo, ha?!" gusto kong isipin na isang masamang panaginip lang ang mga nangyayari. "Nagbibiro ka ba? Nakakainis ka na, hindi ka na nakakatuwa!"

"Sana nga... sana nga biro nalang 'tong sakit ko. Kasi..." garalgal na ang boses niya. "Kasi ayaw pa kitang iwan eh. Gusto pa kitang protektahan, gusto pa kitang bantayan... siguraduhin na hindi ka sasaktan ni Tom."

"Aish! Nakakainis ka talaga!" pinipilit kong patatagin ang boses ko. "Kelan mo pa nalaman 'yang sakit mo?"

"I guess, 2 years ago na rin. That was also the time na pinayuhan na 'ko ng doktor ko na magtungo ng Amerika upang doon na magpagamot."

"N-nagpunta ka ba?" tanong ko kahit mukhang alam ko na ang sagot.

Umiling siya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong pagpupukpukin ang dibdib niya.

"Ang tanga-tanga mo talaga kahit kelan ka! Bakit hindi ka pa nagpagamot dun, ha?!"

"Kasi hinihintay kita eh... nagtiwala akong babalik ka," ngumiti siya. "At hindi naman ako nabigo."

Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"At ngayon, isa nalang ang hiling ko... na mapatawad mo ako bago ako magpunta dun," sabi niya sabay turo sa langit.

"Bench naman eh!" muli kong pinagpupukpok ang dibdib niya.

"Aray, bakit ka ba nagagalit? Dun naman talaga ako pupunta diba? Sa Amerika?" natatawa niya pang sagot.

Bakit nagagawa niya pang magbiro sa ganitong sitwasyon?!

"Bakit nakaturo ka sa langit?!" inis kong sigaw sa kanya.

"Eh syempre sasakay ako ng eroplano para makapunta dun. Saan ba lumilipad ang eropalano, diba dun?" aniya sabay turo ulit sa langit.

"Tsk! Nakakainis ka! Bakit hinintay mo pa 'ko?! Kung nagpagamot ka na noon, e'di sana magaling ka na ngayon!" hindi ko na namalayang umiiyak na naman pala ako, but this time ay hindi na dahil sa galit ko kay Bench kundi sa sarili ko.

Marry Me, Beki! #Wattys2017जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें