58 - I Love This

9.7K 184 30
                                    

Chapter 58 – I love this

TOM'S Point of View

"Oh pare saan ka galing? Bakit bigla ka nalang nawala kanina? Narinig mo ba 'yung kanta ni Andeng?" tanong ko kay Dom pagtabi niya sa akin.

Ngunit sa halip na sagutin ang mga tanong ko ay tinapunan niya lang ako ng isang blank expression. That's why I just shrug my shoulders and wait for my turn in doing the consequence.

And speaking of which ay tinawag na nga ako ni Mamu kasabay ni Dom.

"Tom at Dom, katulad nina Andrea at Bench ay sabay rin niyong gagawin ang consequence na ito."

"Sabihin mo na Mamu nang matapos na," singit ni Dom.

"Okay, Dom and Tom... you're doing a dance number."

"What?!" sabay pa kami ni Dom.

"Is this some kind of a joke?!" iritableng tanong ni Dom sa lola niya.

"Of course not. You know I don't crack jokes, hijo."

"But why the hell were you telling us to dance?!" sagot pa rin ni Dom.

"Because it's your damn consequence!" sigaw na rin ni Mamu.

"There's no way I would do this!" akmang magwo-walk out na naman ang kaibigan ko.

"Okay, don't do it and be ready to find your new job," pagbabanta ni Mamu.

"Just do as you please," walang kagatol-gatol na sagot ni Dom at saka tinalikuran si Mamu.

But then I need to do an action here, pinigilan ko si Dom sa pag-alis. "Pare it's just a consequence, huwag mo masyadong seryosohin."

"E'di gawin mong mag-isa."

"Dom naman! Be mature enough, stop acting like a child!" sigaw ko na sa sobrang iritasyon.

Ito ang unang beses na mainis ako nang ganito sa kaibigan ko. Ito ang unang beses na hindi ko magets kung anong pinagpuputok ng butsi niya. At ngayon lang rin ang unang beses na hindi ko alam kung paano siya pabaalikin sa dating siya.

For goddamn sake Dom, bumalik ka na sa dati.

"Ah Mamu, pwede po bang ako na muna ang gumawa ng consequence ko habang pinag-iisipan pa nina Sir Dom at Tom kung gagawin nila o hindi yung kanila?"

Napatingin kaming lahat sa nagsalita.

"Oh Sharina, bakit tila nagmamadali ka 'ata? May kailangan ka bang gawin, hija?"

"Ah kasi po Mamu, tumawag po yung Uncle ko sakin. He told me to go to his place as soon as we finished this camping."

"Bakit? May nangyari ba?"

"Hindi ko po alam eh. Basta sabi niya lang po pumunta ako dun at doon niya nalang daw po sasabihin. Sa tingin ko naman po ay hindi ganun ka-urgent kaya gusto ko po munang gawin yung consequence sakin para maging fair po sa lahat."

Siniko ko si Dom sa sinabing iyon ni Sharina, hoping na marealize niya ang kahalagahan ng pagiging "fair" sa lahat.

"Okay, anong kulay ba ang nabunot mo Sha?" tanong ni Mamu sa kanya.

"Purple po."

"Ah purple is going to sing with rap."

"Pft," natawa ako bigla sa naging reaksyon ni Sharina. Tila ba gusto niyang bawiin ang sinabi niya kanina. Haha, ang hirap naman talaga ng gagawin niya.

"Ah Mamu, bago ko po gawin yun pwede po ba akong magrequest?"

"Sige Hija, ano yun?"

Namangha naman kami sa tanong niya. So may balak nga siyang gawin 'yun? At ano naman kaya ang request niyang iyon?

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now