16 - Fafa Chuck

16.7K 286 20
  • इन्हें समर्पित: peachewiee
                                    

Chapter 16 – Fafa Chuck

DOM'S POV

Inhale.

Exhale.

"Keri ko 'to."

Stand straight. Stomach in. Chest out. Smile! "GOOD MORNING PAPA, I'M HERE!" 

Bonggang-bongga akong nag-grand entrance sa isang conference room. Diba bongga na, grand pa? Taas kamay pa ang lola niyo nang bigla akong nanginig nang inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid. Lahat sila nakatingin sa akin. Iginala ko pa ang mga mata ko hoping na makakita ng paliparang noo na pag-aari ng byenan ko. And there he is, seems very serious in the center... nakababa pa ang salamin niya at matamang nakatitig rin sa akin.

But err..."He.he.he sorry po. Wrong turn."

Nag-peace ako sa kanila saka dahan-dahang lumabas ng kwarto.

Bruhang receptionist yon ah, sabe direcho lang daw at makikita ko na si Tanda, este si Papa. Takte, bat di nya naman sinabing may board-meeting pala! TAE SIYA! BRUHA SIYA! SINUSUMPA KO SYAAAA! >__________<

"Ay Sir! Sir! Wait lang po!" speaking of the devil na hinihingal-hingal pa.

"Oh ano?!" pagtataray ko sa kanya. Wa na me pakels kung mahalata nya ang genderness ko. Tss, imbyerna lang talaga ako.

"May nakalimutan po pala akong sabihin, hindi po pala kayo pwedeng pumasok dahil may board meeting."

"Tss. Wala na, napahiya na ko," hinayupak ka!

"Naku sir, bakit naman kayo pumasok? Ako po ang mapapagalitan nito eh."

Aba't! Sinasagad talaga ng panget na 'to ang pasensya ko ha. "Hoy bru—I mean Miss, first of all, you didn't tell me na may board meeting pala sa loob. Ang tanging sinabi mo lang,"

"Sige Sir direcho nalang po kayo."

"So what do you expect na gawin ko sa sinabi mong yun? At saka peste ka, ako na nga napahiya, ako pang sesermunan mo."

Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay nya. "Excuse me rin Utility Man, you don't have the right na pagsabihan ako ng mga ganung salita, dahil first of all, ako ay RECEPTIONIST dito at ikaw ay isang hamak na—"

"Mr. Machonimo?"

Gulat akong napalingon sa tumawag ng maganda kong surname. Napalingon ako AGAD-AGAD hindi dahil sa tinawag nya ko, kundi dahil sa MACHONESS and HUSKINESS ng kanyang voice.Aaahhh...

O__O Sheeeet...Sino kang gwapong nilalang ka? Bakit mo tinawag ang kagandahan ko?

"Type mo ba ko pogi...?"

.

.

.

"What?!" gulat niyang tanong.

O_O Pota. Did I just say it loud?

Tae naman Dom, ruma-round 2 ka na ha!

"Ah *ehem*(macho voice) what I mean Brad, type ba nitong receptionist nyo ang kapogian ko? Kanina pa kasi nagpapapansin saken eh."

"Sir?!" makareact naman 'tong panget na receptionist na 'to, WAGAS! Kala mong kagandahan. >.<

"Miss Bulataw! Please respect the new CEO of the company!"

O________O

Hmp, kita nyo yang mukang yan. Ganyan na ganyan ang reaskyon ng bruhang RECEPTIONIST sa harapan ko. Maldita sya, kung lait-laitin nya ko kanina, inam. and what did she just call me? UTILITY MAN?! Hah! Humanda ka bruha ka!

Marry Me, Beki! #Wattys2017जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें