6 - anakan

20.2K 377 22
                                    

Chapter Six – Anakan

DOM'S Point of View


Imbyernang babae! Nakakagigil! Ang sarap sabunutan! Ggrr! She's getting into my nerves na talaga. Pakshet.


"...paano ka nakaraos kanina?"


"Argh! Tama na! Tigilan niyo na ko! Bakit kelangan nagpe-playback sa utak ko yung pesteng tanong na yun?!"

Inis na tumayo ako mula sa pagkakahiga. Dire-diretsong nagtungo sa bintana at tinanaw ang labas.

"Hmp, manigas ka sana sa sobrang lamig dyan."

Hindi ka ba nakokonsensya sa ginawa mong pagpapatulog sa kanya sa labas?

Aish! Bakit naman ako makokonsensya?! Wala sa vocabulary ko yun noh! Oo, masama na kung masama. Dapat lang naman sa kanya yun eh. Ang kulit-kulit nya, tanong siya ng tanong! Tss.

At kung pano ako nakaraos? Argh! Hinding-hindi nya malalaman! NEVER. Mula sa bintana ay kitang-kita ko si Andrea sa may kubo na tila natutulog na.

"Tss, imbyerna! Makatulog na nga lang ulit!" bumalik ako sa kama at nahiga. Pinikit ang mga mata at pinilit matulog. Pero kahit na anong gawin ko, ayaw akong lamunin ng antok. 


Hanggang sa magpabaling-baling na ko sa kama, waley pa rin. Gising na gising pa rin ang diwa ko. At sa maniwala kayo't sa hindi, sa tuwing pipikit ako... ang panget na mukha ng asawa ko ang nakikita ko. At letse lang! Oo na, inaamin ko na, nakokonsensya na nga siguro ako sa pagpapatulog ko sa kanya sa labas lalo na kapag naiisip kong manipis na negligee lang ang suot nya sa mga oras na 'to.

"Psh! Kalandian kasi eh!"

Sinuot ko ang jacket ko at dire-diretso sa labas para puntahan ang bruha. At pagdating ko dun, tulog na tulog na nga sya ngunit ang higpit ng pagkakapulupot nya sa sarili, tila ginaw na ginaw. Hindi na ko nag-abala pang gisingin sya. Dahan-dahan na lamang akong lumapit sa kanya, hinubad ang suot kong jacket at binalot sa kanya. Then binuhat ko sya.

"Peste, kabigat-bigat. May bayawak yata sa tiyan 'tong babaeng to eh..." bulong ko.

Ipinasok ko sya sa kwarto at doon ay dahan-dahang inihiga sya at kinumutan.

At ako? Well, martyr-martyran ang peg ng lola nyo ngayon. Kumuha ako ng blanket sa closet at inilatag iyon sa ibaba.

"Okay na rin yung ganto... atleast hindi na ko magagawa pang guluhin ni bwiset na konsensya..." humiga na ko at nagkumot.

Balot na balot para makasiguradong hindi ako magagawang halayin ng bruha kapag nagising sya.

ANDREA'S Point of View


Ugh... nasisilaw ako...

I saw the sunlight strikes through the window... Ehh? Window? Napabangon ako bigla.

"Teka, bakit ako napunta dito?" eh as far as I remember, sa kubo ako nakatulog kagabi dahil napikon nang tuluyan si Dom saken...

"Lumayas ka nga dito, bruha ka! Akala mo lagi kitang pagbibigyan sa kakulitan mo ha!"

So what the hell am I doing in this room right now?! Napayuko ako. ganun pa rin ang ayos ng damit ko. Walang labis, walang kulang.

Haaaay, failed na naman. "Akala ko pa naman, may nangyari na."

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now