54 - His side

10.8K 193 38
                                    

Eto na guys! This is really is it is it! Ang POV ng pinakamamahal niyo! Namiss niyo ba siya? Well, namiss rin daw niya ang magka-POV, haha! So let us all welcome back our FAFA DOM!

This is for you @Queencity! Thanks for your palagiang comments.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

54 – His side

DOM'S Point of View

"Hahaha! Really? Natatandaan mo pa 'yun?" tawa kami nang tawa ni Andrea sa kwentuhan namin.

Masaya ako dahil sa loob ng limang taon, simula nang magbalik ako ay ngayon ko lang ulit siya nakausap nang matino. Sa totoo lang ay ipinagkibit-balikat ko nalang ang mga pag-aalinlangan ko. Kanina kasi nung nakita kong nalungkot siya dahil sa nasabi ko, nakonsensya ako at agad na humingi ng sorry sa kanya. Sa isip-isip ko, sumosobra na ako. Pero anong magagawa ko? Kahit labag sa kalooban ko, kailangan kong gawin 'yun.

Sa ngayon ay nagbabalik-tanaw kami sa unang araw ng pagtatagpo ng landas naming dalawa. 'Yung araw na hindi 'love at first sight' ang una kong naramdaman sa kanya, kundi 'hate at first sight. Just so you know, nakakahiya mang aminin, beki pa kasi ako that time. But when I'm remembering that moment, hindi ko na mapigilang mapangiti. Because in my heart, I have and will always treasure that very special day for my entire life

 "Alam mo, buti nalang talaga nakita kita that day, kundi baka nakatali na 'ko sa evil Chuck na 'yun ngayon," gusto kong sabihin sa kanya na masaya rin ako dahil sa akin siya napunta, but at the back of my mind, may kumokontra—sa akin nga ba talaga?

"And I'm glad na hindi ka nakasal sa kanya," sa halip ay nasagot ko nalang kay Andrea.

Naisipan ko ring baguhin na ang topic, hindi ko kasi mapigilang masaktan kapag nauungkat pa ang past naming dalawa. Masakit, kasi alam ko naman na hindi na maibabalik pa 'yun.

"So, bakit nga ba nag-liquidate ang AC Corporation?" tanong ko sa kanya.

"Ah nagsimula kasi 'yan nung nagkasakit si Papa—"

"Tumor?" ako na rin ang sumagot.

Napansin kong nagulat siya. Alam ko naman talaga 'yun. Simula kasi nung umalis ako, hindi ko mapigilan ang sarili kong bantayan pa rin siya. Kahit pa sinisigaw ng utak ko na tama na, let go na. Pilit pa ring kumokontra ang puso ko at nagsasabing kailangan ko pa ring malaman ang buhay niya, kung ok ba siya? Kung masaya ba siya? Kung masaya na ba sila?

But unfortunately, bahagyang tumigil ang pagbabantay ko kay Andrea nung napalipat kami sa Australia hanggang sa kinailangan nang mag-focus na talaga ako sa trabaho ko dahil halos lima lang kaming staffs ang inaasahan ng kompanya. Isang dahilan dun ay dahil kaming lima lang ay mas may experience kaya naman ginawa talaga namin lahat makabangon lang sa krisis ang kompanya ni Mamu.

Yung pagkakatuklas naman ni Mamu na ako pala ang nawawalang apo niya? Biglaan lang 'yun, infact, ang bait niya na talaga saken bago pa namin malaman 'yung totoo. Oh well, 'yun nga siguro 'yung sinasabi nilang lukso ng dugo dahil magaan na rin ang loob ko nun kay Mamu umpisa palang.

Ipinagpatuloy ni Andrea ang pagkukwento. "So ayun nga, nung nagkasakit si Papa napilitan kaming gamitin yung assets ng company para sa panggamot kay Papa. Then nung kinulang yun nangutang na kami sa ibang companies na kakilala ni Papa. Lahat na ng paraan ginawa namin para maka-survive si Papa, but unfortunately..."

Actually alam ko na rin 'yung part na 'yun. And God knows how much I've wanted to go home at puntahan siya. Nag-aalala kasi ako sa kanya, pero may isang pumigil sa akin. Isang litrato na nagpatunay na may kasama naman pala siya.. na hindi naman pala siya iiwan nun. Nakahinga ako nang maluwag nun at inisip nalang na ok siya... magiging ok rin siya, kasama niya. Ayoko na kasing makagulo pa.. ayoko nang guluhin sila.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ