41 - konsensya ni Sophie

10.9K 167 14
                                    

Chapter 41 – Konsensya ni Sophie

ANDREA'S POV

"Andrea anak, kumain ka na," akmang isusubo ni Papa ang mainit pang sopas.

I just stared at him coldly at saka iniiwas ang bibig ko.

"Anak, kahapon ka pa hindi kumakain. Bakit ayaw mong kumain kahit ilang subo lang?"

"Wala po akong gana pa..."

Bumuntong-hininga si Papa. Inilapag sa tabing-mesa ang hawak niyang pagkain at saka tumabi saken sa higaan.

"Andrea, hindi lang ikaw ang nasasaktan sa pagkawala ng anak mo. And I know, being a mother, hindi madali para sayo ang lahat ng ito. Pero sana, isipin mo rin ang kalusugan mo. Hindi ka dapat magkasakit anak. Please, kahit para saken nalang, alagaan mo naman ang sarili mo."

Umiling-iling ako.

"Hindi ko kaya Papa," rinig ko ang paggaralgal ng boses ko.

Eto na naman. Bumabalik na naman ang sakit. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa halu-halong emosyon.

"Hindi ko kaya, kasi kahit anong gawin ko, hindi ko matanggap na wala na siya. Wala na ang anak ko! Kahit kelan hindi ko sila mapapatawad! Papa, ang sakit! Ang sakit-sakit!"

Niyakap ako ni Papa.

"Sssh, anak tama na. Andito naman ako eh, hindi pa katapusan ng lahat. Alam kong masakit, pero mas masakit para saken ang makita kang nagkakaganyan. Andrea please, stay strong. Just stay strong for Papa, ok?"

Nag-iiyakan na kami pareho. Then kumalas sya sa pagkakayakap at hinarap ako. He looks straight into my eyes. Kitang-kita ko pa ang mga butil ng luha sa mukha nya.

"Always remember... iwan ka man ng lahat, saktan ka man nilang lahat...palagi lang nandito si Papa para ipagtanggol ka. Hangga't buhay ako, walang pwedeng umapi sayo. Okay?"

I nodded.

"I love you my princess."

Lalo akong napahagulgol ng iyak. Muli ko siyang niyakap.

"Thank you po, Papa."

~~

Ilang saglit pa'y nakarinig kami ng pagkatok mula sa pinto. Lumapit dun si Papa at binuksan iyon.

Pakiramdam ko ay nagbalik ang lahat ng galit sa puso ko nang iniluwa ng pintuan ang pinakahuling taong gugustuhin kong makita sa pagkakataong ito.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?! DAMN YOU, JERK! ANG KAPAL NG MUKHA MONG MAGPAKITA DITO, WALANG-HIYA KA! TAKSIL!"

Pinagbabato ko sya ng kung anumang gamit na madampot. Ngunit imbes na matinag at umalis ay lumapit pa rin sya kahit na kung anu-anong bagay na ang tumatama sa kanya.

"Papa, ayoko siyang makita! Paalisin nyo sya dito!"

"Andrea, please mag-usap naman tayo!" sigaw nya habang ang parehong braso ay nakasangga sa mukha nya.

"No! Ayoko! Lumayas ka sa harap ko, manloloko ka!"

"Andrea, hindi ko rin alam kung paanong nangyari lahat ito. Maniwala ka naman please!"

"Sinungaling!"

Akma ko sanang ibabato ang maliit na figurine na hawak ko nang bigla niyang pigilan ang parehong kamay ko.

"I hate you! I hate you!"

"Andrea!" tinitigan niya ko nang diretso. "Mag-usap muna tayo, please naman huwag mo kong ipagtabuyan."

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now