21 - competition

15.3K 277 11
                                    

Chapter 21 - Competition

DOM'S POV


"DOM! WHY DID YOU DO THAT?!"

"A—ano pong ibig niyong sabihin papa?" gosh, bakit ganyan si papa ngayon? parang galit na galit ang mukha?

"HINDI MO BA ALAM ANG CONSEQUENCE NG GINAWA MO?!"

Shocks, hindi pala PARANG, galit na nga. What have I done? >.<

Mabuti nalang at kaming dalawa lang ang nandito sa office nya ngayon kundi pahiya much ang beauty ko sa mga makakakita at makakarinig samen.

 "Papa hindi ko po alam ang sinasabi nyo..."

 "10 Million Dom!!! Sampung milyon ang inaksaya mo dahil sa ginawa mong pag-order ng suppy sa pekeng supplier!! hindi mo muna ba bina-background check ang pinag-oorderan mo ng motorcycle and car parts? My God, san natin babawiin ang winaldas mong sampung milyon?!!"

 O_O Uh-oh, anong nangyayare? Bakit... bakit ako nakawaldas ng sampung milyon??

"Sana kasi bago ka pumirma ng contract sa mga suppliers natin, binabasa mo muna yung kontrata kung tamad ka mang mag-background check sa company nila!"

"So—sorry po papa."

"Sorry?! Anong magagawa ng sorry mo? Maibabalik ba n'yan ang sampung milyon na nawala sa company natin? maraming co-owners ang nagrereklamo sayo ngayon Dom, sa una palang daw ang wala na talaga silang tiwala sayo. Pinahiya mo ko Dom, pinahiya mo ko hindi lang bilang father-in-law mo, kundi bilang owner ng company na 'to na nagluklok sayo sa posisyong iyan."

OMO, naiiyak na ko..huhuhu. Kung alam lang talaga nitong kaharap ko ang tunay na kasarian ko kanina pa ko naglabas ng sama ng loob dito eh. Nanay kooo... inaapi nila ako... T____T


*tok! tok!*

"Come in," Papa.

"Sir, nagpapatawag po ng General meeting si Vice President Waldon."

"Ok, sabihin mo susunod na kami."

Then umalis na yung bruhang secretary na kung makatingin saken ay parang nagsasabing, "Buti nga sayo."

"Get ready, sumunod ka na saken in a minute."

At ayun, tulad ng sinabi ni Tanda, kinuha ko lang yung coat ko sa table ko at sumunod na sa kanya papunta ng board room.

"Good morning," nagsitayuan at nag-bow samen ang mga tao sa board room nang pumasok kami ni papa.

"Good morning," they responded in echo.

Umupo si papa sa pinakagitna ng mahaba at makintab na table, nasa tapat nya yung si VP Waldon, and dad ni Fafa Chuck. Samantalang ako naman ay sa gilid nya at sa tapat ni Fafa Chuck. Nagsiupuan na rin ang iba pang board of directors.

Shet, ang tahimik! Lalo akong kinakabahan eh. o_o

"Ok, I'm sure you all know why I called you here for a meeting," simula ni VP Waldon.

Nakita kong sabay-sabay silang nagsitanguan at halos karamihan ay napatingin saken. Sanay na naman ako sa mga ganyang tingin nila lalo na sa mga babae kasi alam ko namang nagugwapuhan sila saken. Yep, nasanay na nga ko. Pero I think it took 2-3 weeks bago koi yon makasanayan, kasi naman diring-diri talaga ako sa mga tingin nilang may pagnanasa noong una!

Teka, ba—bakit iba ata ang tingin nila saken ngayon? Parang hindi pagnanasa... parang may something...ayy ewan!

"And I know that you also know what will be the best solution for this, right?"

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now