8 - tonight is the night

19K 387 49
                                    

 Chapter Eight – Tonight is the night

ANDREA'S Point of View

"Aaaaaaah! Alak paaaa!" sabay tungga ni Dom sa isang bote ng beer.

"Hoy! Tama na yan, nakakarami ka na," pigil ko sa kanya.

"Eh ayaw ko! Gushto ko pang uminom eh, huk!"

"Tss, ang sugapa mo naman sa alak. Penge ako!" sinubukan kong kunin ang bote ng beer sa kanya.

"Ayaw! Isa na nga lang 'to eh!" dire-diretso niyang sinaid ang laman ng alak.

"Psh, damot. Bakit ba nagpapakalasing ka masyado?" tanong ko sa kanya.

 Bakit ba nagpapakalasing ka masyado?" tanong ko sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Syempre! Para shure!" sagot niya.

"Ha?" takang-tanong ko.

"Para shure na di kita makikilala mamaya."

Napasimangot agad ako sa sinabi niyang 'yun. Bakla talaga. Tss. Eto na kasi ang gabi para samen. Ang gabing napag-usapan na gagawin namin yun. Yung alam niyo na... yung ginagawa ng babae't lalaki para magkaanak. Halo-halo na nga yung nararamdaman ko eh.

Kinakabahan ako, kasi syemre first time ko 'tong gagawin at jusko po... sino ba namang babaeng gugustuhing ibigay ang virginity nya isang bakla diba? At eto, over pa sya kung maglasing. kala mo naman, Akasuka-suka talaga yung itsura ko.

Pero sa totoo lang kahit papano nakahinga na rin ako nang maluwag nung pumayag sya kasi I will be able to save the company na. Sana nga lang magawa naming successful 'to.

"Tara nah!" bigla siyang tumayo na gegewang-gewang.

Napaangat ako nang tingin sa kanya, "San punta?"

"San pa ba? hik Edi CHUKCHAKAN NA-hik!!" then naglakad na sya papasok ng resort house.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko "This is it, Andrea." bulong ko sa sarili.

I inhale and exhale.

Then tumayo na rin ako at sumunod kay Dom. Habang naglalakad ay sinasambit ko pa ang lahat ng dasal na alam ko. Lahat na rin ng Santo ay tinatawag ko na.

"Papa God, kayo na po ang bahala samen..." bulong ko.

Nang nasa tapat nako ng kwarto namin ay dahan-dahan kong pinihit yung door-knob habang mariin na nakapikit ang mga mata ko. Then, inihakbang ko na ang mga paa ko. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at lumapit sa nakahiga nang si Dom.

He's now half-naked, buti nalang at nakakumot sya.

Shocks! Ang sexy ng asawa ko!

Nanginginig ang mga kamay ko habang inaangat ang kumot na tumatakip sa kanya. Kahit pala madalas ko siyang binibiro noon about dito, iba pa rin pala kapag actual ko nang gagawin.

Grabe lang, as in sobrang nakakakaba! Wala pa man ay parang gusto ko nang umatras. Pero nilakasan ko na ang loob ko, dahan-dahan na kong pumaibabaw at gumagapang papaangat sa kanya.

"Hmmm..." rinig kong ungol ni Dom.

Napangisi ako. Tila naaapektuhan rin sya sa nangyayari. Tulad ko siguro'y may kung anong init rin na gumagapang sa katawan niya ngayon.

Sabi ko na nga ba, malakas ang impact ng alindog ko sa kanya eh.

"J-jun pyooo..."

Bigla akong napatigil.

"Naknampucha. Lasing na nga't lahat-lahat, bading pa rin, tss."

Pinagpatuloy ko nalang ang paggapang hanggang sa magkatapat na ang mga mukha namin. Amoy na amoy ko ngayon ang hininga nya—pinaghalong amoy ng alak at mint mouthwash.

"Hmm, bango..." bulong ko.

Isang advantage rin siguro ng pagiging bakla, karamihan sa kanila ay sobrang linis sa katawan. Lalo akong naakit. di ko na napigilang lalo pang ilapit ang mga labi ko sa kanya.

Noong una'y mabilisang dampi lang ang ginawa ko. Marami-rami rin akong nanakaw na mga pasimpleng halik.

Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili kong patagalin ng konti ang pagdidikit ng mga labi namin. Pero hindi gumagalaw, kasi hindi naman ako marunong eh. Saka isa pa, nakapikit lang sya at wala man lang karesponse-response.

Tss, tuod ba 'tong baklang 'to?!

Babangon na sana ako nang mangyari ang pinaka di ko inasahan—hinawakan nya kasi ako sa batok at hinila papalapit muli sa kanya. Gulat na gulat ako. Dilat ang mga matang nakatitig lang ako sa kanya habang hinakalikan nya ko.

Nakaramdam ako ng bolta-boltaheng kuryenteng dumadaloy sa aking katawan. at ang kaninang dilat na dilat na mga mata ko'y dahan-dahan na ring pumipikit. Hindi man ako marunong ay pilit ko nalang sinabayan ang galaw ng kanyang mga labi.

Ang tamis...this is my first real kiss.

Namalayan ko nalang na napapangiti nako sa ginagawa namin. Lalo na nang pumaibabaw sya saken nang hindi pa rin naghihiwalay ang lips namin. Ipinulupot ko ang dalawang braso ko sa leeg nya. Papusok na nang papusok ang ginagawa namin. Kung saan-saan na naglalakbay ang parehong kamay namin. Napasinghap ako nang mapadako ang isang kamay nya sa nipple ko. Nagtindigan ang mga balahibo ko. Hanggang sa unti-unting bumaba ang halik nya—sa tenga, sa leeg hanggang sa itaas ng dibdib ko.

"Oh Dom.." sambit ko kasabay ng pagsabunot sa kanya.

Sa sobrang pag-iinit ko ay ako na ang kusang nagtaas ng sando ko at saktong pagtanggal ko ng pang-itaas ko...sumubsob agad sya sa dibdib ko.

"Can't wait Honey?" nakangiti ko pang sambit.

Ngunit hindi sya tumugon. Nakasubsob lang sya sa dibdib ko. Ilang saglit pa'y nagtaka na ako nang mamalayang hindi sya gumagalaw. Inaamoy nya ba yung dibdib ko? O.o

"Dom?" tawag ko ngunit ganun pa rin.

"Uy," kinalbit-kalbit ko pa yung ulo nya.

Hanggang sa napaharap saken yung mukha nya.

...at ang walang-hiya!

NAKATULOG NA!


"Bitin! Grrr!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Please tell me your thoughts about this chapter guys! :D Open ako sa lahat ng comments. ;) ~~MoonLightFairy

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now