34.2

12.7K 218 25
                                    

A/N: Ngayon palang magsosorry sa dami ng transitions ng POV dito. Mahilig lang talaga ako sa transitions ng scenes. :) 

Chapter 34.2

"Yeoboseyo?" [Hello?]

"Hyun Woo." [Tristan's name in Korea]

"Appa?" [Papa?]

"Neh." [Yes.]

"Wae?" [Why?]

ANDREA'S POV

"When he called, he informed me about the military. Sabi nya kelangan ko na daw magbalik ng Korea within a week. Expected ko na yun, pero that time nalungkot pa rin ako kasi alam kong maiiwan kita nang hindi ka man lang napagbibigyan sa favour mo." A tear fell from Tristan's eye.

"At sinadya ko din na hindi magpaalam sayo kasi ayokong maghintay ka. There's a big possibility na maghihintay ka lang sa wala. Military yun Andeng, maraming pwedeng mangyari saken dun. That's why hinayaan ko nalang na magalit ka saken, kinausap ko si mama na sabihin sayong kaya ako bumalik ng Korea upang balikan yung ex-girlfriend ko. By that, I'm sure na magagalit ka saken at makakalimutan mo rin ako in the mean time. But I just want you to know Andeng," he held both of my hands. "Walang isang segundong hindi kita inalala habang nasa kampo ako. Laging nasa pocket ko yung picture mo. Yung last picture ko sayo nung grad ball natin." He kissed my hands, at dun ko lang napagtantong umiiyak na talaga sya.

I comforted him, "Sssh, it's ok. Matagal na naman yun, let's just forget the past."

Umiling sya, "No Andeng, I don't want to forget the past. I don't want to forget you."

"Pero—"

"Gusto ko sanang tuparin na yung favour mo saken noon."

"But Tristan—"

"I know huli na ang lahat para gawin pa yun, but won't you give me a chance? A fair chance para patunayan ko sayong mahal talaga kita noon pa."

I pull out my hands. "I don't know Tristan. I don't know what to think anymore."

~~

CHUCK'S POV

 "Anong sabi mo tumakas yung baklang yun?!"

"Yes Sir, narinig ko lang po kanina habang nag-uusap si Sir Chant at ang daddy niyo."

"Ok sige, makakaalis ka na."

I pickep up the telephone and dialled the usual number, "Hoy Arthur nakatakas daw si Bakla! Gawan mo ng paraan, makukulong sya anuman ang mangyari. Sigurado na yung ugok na pamilya ng TM na si Dom nga ang pumatay sa anak nila. Hahaha, mga bobo talaga. Inayawan pa ang pagpapa-autopsy sa katawan ng anak nila. Sigurado na daw kasi sila na yung Dominador na nga na yun ang suspek."

"Oo, mabuti na yun. Atleast ligtas ang pangalan natin. Sige, ang gusto ko nalang gawin mo ay hanapin yung baklang yun at mas lalo pa natin siyang ididiin sa krimen na tayo ang maygawa. Hahaha!"

~~

ANDREA'S POV

"Hahaha! Tama na Tristan nahihilo na ko! Hahaha!"

"Hahahaha! Ok, ako naman itulak mo." tumayo ako sa swing at nilapitan ang swing na inupuan ni Tristan.

"Argh! Ang bigat-bigat mo naman, 'di kita kaya!"

"Sus! Hanggang ngayon, ang weak-weak mo pa rin! Lika nga dito, wag mo na ko itulak." then hinila nya yung kamay ko at itinuro yung isang swing para maupo ako dun.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now