43 - KUYAs

10.6K 166 8
                                    


As I promised, dedicated kay Shanyeoll. Thanks for reading MMB! XD

P.S. Si Kuya Denver yung nasa pic. :)

~~

Chapter 43 – KUYA'S

Dom's POV

"Dominique! Long time no see!"

"Kuya Drew, Dominador ang pangalan ko," pagtatama ko sa kapatid kong sumalubong sa akin. Dinalaw ko kasi sila sa bagong bahay na binili ko para sa kanila. Simple lang ito at maliit, sapat na para tirahan ng pamilya ko.

Nanggaling ang pera mula sa sinahod ko bilang CEO sa kumpanya nila Andrea.


"Naks! Kelan mo pa tinanggap ang pangalan na yan? Akala ko ba nababahuan ka d'yan? Haha!"

"Puro ka talaga kalokohan Kuya, asan si nanay?"


"Andun siya sa kwarto niya Dom, siguradong matutuwa yun kapag nakita ka," napalingon ako sa likuran ko.

Lumuwag ang pagkakangiti ko."Kuya Denver!"


Nilapitan ko siya at saka niyakap.


"Aww, sige ganyanan na. Ipamukha niyo pa sa aking mas close kayong dalawa, hmp!"

"Haha hindi naman Kuya Drew!" sagot ko sa nagtatampong kapatid ko na sumunod sa akin.


Natutuwa ako kasi kahit papano nagiging malapit na rin kami sa isa't isa ni kuya Drew. Dati-rati kasi galit na galit sya saken at madalas pang bugbugin dahil daw napapahiya sya sa tuwing niloloko sya ng mga katropa nya na may kapatid siyang bakla. Bipolar kasi yang si Kuya Drew eh—isang siga, isang happy-go-lucky. Siya at ang panganay na si Kuya Denver ang totoong magkapatid. Samantalang ako naman ay anak sa pagkakadisgrasya ni nanay.


Lasing daw si nanay nun nang may mangyari sa kanila ng tunay kong ama. Simula noon ay sa akin na ibinunton ni tatay (ama nina kuya Drew at kuya Denver) ang galit nya sa pagkakabuntis ni nanay sa ibang lalaki. Mas lumaki ang galit nya nang maging bading ako.


"Bakit biglaan ang pag-uwi mo Dom?" tanong ni kuya Denver.

"Namiss ko kasi ang pamilya ko eh," nakangiti kong tugon, but deep inside gusto ko lang ng yakap mula sa pamilya ko dahil sa mga oras na ito ay hindi ko na talaga alam kung kanino ako tatakbo.

"Sows, namiss daw! Ang bading mo Bro~~!" singit muli ni Kuya Drew. "Aray pota!" nakita kong siniko ni Kuya Denver si kuya Drew.

"Hehe, okay lang yun. Lalaki na talaga ako mga Kuyas."

"Weh? Hindi ka na talaga bading?" tanong ni Kuya Drew sa akin.

"Oo kuya, kaya huwag ka na mag-alala hinding-hindi ka na ulit aasarin ng mga katropa mo sa kanto na may kapatid kang bakla."

"Lul!" sabay batok saken. "Di naman kita kinakahiya kahit bakla ka pang ulupong ka. Naiinis ako noon kasi kung anu-ano ang pinagsasabi nila sayo, kesyo bakla ka nga daw, putok sa buho, malandi daw si nanay at kung anu-ano pa. Hindi ko lang sila mapatulan kasi yung mga nanay nila ang inuutangan ni tatay noon kapag kapos tayo sa pera. Kaya ang inis ko, kapag lasing ako nabubuhos lagi sayo. Lalo na pag natyetyempong senglot na senglot ako tas makikita pa kita puro make-up sa mukha, nakkuuu!"

Natawa naman ako nang maalala ang sinabing iyon ni kuya Drew. Parati nga akong naka-make up noon, required kasi sa pinagtatrabahuhan kong parlor.

"Sige na Dom, puntahan mo na si nanay dun. Miss na miss ka na nun eh."

"Sige mga kuyas, puntahan ko lang si nanay."

Pagkatapos noon ay umakyat ako sa itaas papunta sa kwarto ni nanay. Kumatok muna ako bago pumasok at doo'y nakita ko si nanay na nakahiga habang nagbaba ng paborito niyang pocketbook. Ibinaba niya ang salamin niya upang silipin ako.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon