11 - harlem shake

18.7K 316 20
                                    

Chapter 11 – harlem shake

DOM'S POV

"Pweh! Pweh! Pweh!" >___<

Leshe! Pudpod na labi ko, ramdam ko pa rin yung punyetang labi ng babaitang yun! Ubos na rin ang mouthwash ko, amoy ko pa rin yung PESTENG hininga nya.

Tss, kadiri!

Paksh*t! Dahil lang sa pagkain, nagawa ko ang karumal-dumal na bagay na yon. Tss, pramis mamatay man si BOMBERMAN, never ever na kong magpapagutom. =___=

"Aish! Makalabas na nga, imbyerna!" namamawis na rin kasi ang kili-kili ko, nasu-suffocate 'ata sa banyo.

Dahan-dahan akong naglakad. Nag-ala-one-of-the-Charlie's Angels na pinakiramdaman ko kung may MANYAK sa paligid.

Tingin sa kanan >__>

Tingin sa kaliwa <_<

"YES! AYM PREEEEEEEEEEEE!!!" nagdidiwang kong sigaw nang masigurong wala nga ang manyak. "Music please!"

*Now playing Cha-cha dabarkads by Ryzza.*

Nagsusumayaw ako ng Cha-Cha Dance.

♫Cha-charap! Cha-charap! Charap mag-cha cha! Cha-charap! cha-charap! charap mag-cha cha!♫

(TUNE: cha-cha) ♫"WALA ANG BRUHA! WALA ANG BRUHA! SI DOM AY STRESS-FREE!"♫


Napatigil ako bigla. Kinilabutan. Halos lahat ng buhok ko all-over-the-body ay nagsitayuan nang bongga. May kung anong nakapangingilabot kasi akong naramdaman.

Hanggang sa unti-unti kong itinaas...


ang aking braso.

"SYEEEEEEET!" napangiwi ako nung tuluyan ko siyang makita. "Takteng kilikili 'to, naglalawa! EEWNESS." 

Hays, grabe na talaga ang stress ko sa buhay. Pati kilikili ko na asset ko dati ay napapabayaan ko na. Kawawa naman ako, baka wala na kong maging fafa nito. 

Agad akong nagtungo sa ref.

"One, two, three, four, five... oks na siguro 'to." akma ko ng sasarhan yung ref nang... "Ay! Isa pa!" kumuha ulit ako ng isang calamansi. "Para tig-three!"

Hiniwa ko ang lahat ng yun sa gitna. Hinubad ko ang t-shirt at pumwesto na.

Nag-inhale exhale muna ako bago gawin ang aking misyon.

"1,2...1,2,3 GO!" inangat ko ang isang braso ko. (TUNE: colgate commercial jingle. A/N: sana alam niyo.^^) "WASH WASH WASH! THREE TIMES A DAY! WASH WASH WASH TO KEEP BAKTOL-ing AWAY!"

"Pak na pak!" kumembot-kembot pa ko. "Let's get AW!"



"ANONG IBIG SABIHIN NITO?!"


Napatigil ako bigla nang marinig ang pamilyar na boses na yun.

"Ehh? H-hello po...

"...P-papa, kelan pa kayo dumating?" shocks, kanina pa ba siya d'yan? Nakita niya ba ang kabaklaan ko?

"Ngayon lang, Dom. Bakit nagkukumembot ka dyan?!"

Nanginig bigla ang tuhod ko. Unti-unti akong umaatras papalayo kay Pudra-in-law na nanlilisik ang mga mata habang papalapit sa akin. Feeling ko unti-unti na siyang nagta-transform sa pagiging incredible hulk nya.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now