63 - Ang Pabor

Magsimula sa umpisa
                                    

"Marvin ko..." ang huli niyang sinabi saka dire-diretso akong sinunggaban ng halik! O_O

Gulat at dilat na dilat pa ang mga mata ko sa nangyayari. Gusto ko siyang itulak, pero hindi ko alam kung saan ako maghahagilap ng sapat na lakas para gawin iyon. Nanghihina ako... nanlalambot ang mga tuhod ko. At kung hindi pa siguro kami nakaupo ngayon, malamang ay nakatumba na 'ko ngayon sa sahig.

"Itigil mo na 'yan, Marvin!" utos ng utak ko. Pero sa 'di malamang dahilan ay iba ang sinisigaw ng puso ko. Gusto nito... gusto nitong ituloy ko lang kung anuman ang nangyayari. Masaya... tila ang saya-saya ng puso ko sa kung anuman ang nagaganap ngayon. Hanggang sa namalayan ko nalang na nakapikit na rin pala ako at ako na mismo ang nag-uudyok kay Helen na palalimin pa ang halik na namamagitan sa amin.

"Dun tayo sa kotse ko," maya-maya'y bulong ko pa sa kanya.

She just looked at me innocently, then suddenly, she smiles and nodded. I held her hand and lead her towards the exit of the bar. Pinagbuksan ko siya ng pinto papasok sa backseat ng kotse ko. Dun na rin ako pumasok at saka dali-dali nang sinarhan iyon.

***

BENCH'S POV

Nakahinga ako nang maluwag nang itext sa akin ni Sharina na ok na daw sila ni Tom. Nag-thank you pa siya sa akin dahil alam niya daw na ako lang ang gagawa ng paraan para tulungan siya.

So I texted back, "What are friends are for, right? Gusto ko kasi laging masaya ang bestfriend ko."

Yes, tinanggap ko na. Hanggang bestfriend nalang talaga kami ni Sharina. At masaya na rin ako dahil kahit papaano ay may happy ending nang naghihintay sa kanila ni Tom. Tahimik na ang loob kong lilipad papuntang Amerika.

Isa nalang ang kailangan kong ayusin. Gusto kong humingi ng tawad sa mga kaibigan ko, dahil sa nagawa kong paglilihim sa kanila.

So I texted Marvin and asked where he is. Alam ko kasing siya ang pinakanagtatampo sa kanilang lahat. But several minutes later ay wala pa rin akong natanggap na reply mula sa kanya. Kaya naman isa nalang ang alam kong natitirang paraan—ang itrack ang GPS ni Marvin.

Sumakay agad ako ng kotse upang puntahan ang lugar kung nasaan siya. Ayon sa tracker ay nasa isang bar siya. Mabuti nalang at malapit lang 'yun sa bahay ni Tom. Wala pa kasi akong tulog dahil simula nang umalis ako kagabi mula sa camping ay hinanap ko na agad si Tom para nga ayusin na ang lahat bago ako umalis. Madilim pa rin sa daan dahil madaling-araw palang at mukhang wala pang balak sumikat ang araw.

Malapit na sana ako sa lugar kung nasaan si Marvin nang bigla akong may matanggap na tawag.

Si Mamu.

Sinagot ko iyon, "Hello, Mamu?"

"Hello Bench, pasensya na kung naistorbo kita ha. Pwede ba 'kong humingi ng pabor?"

"Oh sige po Mamu, ano po ba 'yun?"

"Ano kasi..."

***

MARVIN'S POV

Nagising ako sa ingay ng tunog ng phone ko.

"Argh, ang sakit ng ulo ko..." sabi ko habang nakapikit pang kinakapa kung nasaan ang cp ko.

Napadilat ako bigla nang may kakaibang bagay akong nahawakan. Pumikit akong muli nang mariin upang masiguro na hindi ako nananaginip lang, naroroon pa rin ang kamay ko.

At nang muli kong buksan ang aking mga mata'y napahigpit ang hawak ko sa ano... sa...

"ARAY!" sigaw na niya.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon